Chapter 1:

4 1 0
                                    


Parang mababali na ang leeg ni Ren sa kakatingin. Panaka-naka niya ring tinitingnan ang kanyang relong-pambisig. Ayon dito, alas nuebe pa lang ng umaga. Napahugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at naupo muli sa waiting shed. Wala pang isang minuto ay tumayo na naman siya at nagpalakad-lakad. Paulit-ulit niya itong ginawa sa loob ng isang oras. Hindi niya inalintana ang mga nagtatanong na tingin ng ibang tao na naghihintay rin sa waiting shed na iyon. Masyadong nakatuon ang kanyang isipan sa paghahanap sa taong nakasuot ng green na poloshirt.

Muli niyang binasa ang huling mensahe ni Carlos sa messenger.

"I'll be there at 9:30 a.m. I'll be wearing a green poloshirt. See you :)"

Napangiti na naman siya dahil sa smiley. Hindi niya mapigilang umandar ang sariling imahinasyon. Ipinalagay niyang tina-type ito ni Carlos habang nakasandal sa headboard ng kama nito at suot-suot ang nakaka-inlove nitong glasses. Parang tumigil ang tibok ng puso niya nang biglang pinamalas nito ang signature killer smile na mas lalong dumagdag sa charisma nito. Animo nang-aakit ito sa kanya nang kinagat nito ang pang-ibabang labi habang unti-unting tinatanggal ang suot na puting sando.

Sinampal niya ang sarili. Nagiging mahalay na ang isip niya. 

'Sing-green pa ng poloshirt niya',singit ng kanyang medyo malanding konsiyensya. 

Hindi na siya nagtaka nang maramdamang may tumulo na mainit na likido mula sa kanyang ilong. Palagi na lang siya nagkaka-nosebleed sa tuwing pinagpapantasyahan niya si Carlos. Agad na hinalungkat niya ang kanyang sling bag para kunin ang panyong hinanda niya just in case na mangyari na magno-nosebleed siya habang kasama si Carlos. 

Kung may isang bagay na kinatatakutan ang binata, iyon ay ang dugo. Itinatak niya iyon sa kanyang isipan kaya hindi niya kinalimutang magdala ng panyo.

Napakunot- ang kanyang noo nang hindi niya makapa ang hinahanap sa loob ng bag. Muli siyang naupo sa waiting shed at nilabas ang laman ng kanyang bag. 

"Teka, Miss. Magdahan- dahan ka naman!"

Sandaling tumingala siya sa lalaking umangal sa kanyang tabi. Nakasuot ito ng bull cap kaya hindi niya makita ang mga mata nito. Well, she believes that the eye is the window of one's soul kaya tuwing may bago siyang nakikilala o nakakasalubong ay una niya itong tinitingnan sa mata. May hawak itong libro sa kaliwang kamay. Nabaling ang atensyon niya sa mga daliring mahigpit na nakahawak sa libro. Mala-kandila ang haba nito at napakalinis ng mga kuko. 

Napailing siya nang tumitig siya rito. Bigla itong napaatras sa kinauupuan. Mas dumikit pa ito sa mamang natutulog habang nakasandal sa poste ng waiting shed. Itinago pa nito sa suot na hoodie ang hawak na libro. Lihim siyang napangisi. 'Masubok nga', buong kapilyahang saad niya sa isipan. 

Umarte siyang mababahin ngunit bago pa niya matapos ang ginagawa ay agad na naglabas ito ng panyo at pinantakip sa mukha nito. Sa hinuha niya ay mukhang masusuka ito. Walang dudang diring nga ito sa pagmumukha niya.

Naiiling na iniisa- isa niya ang mga gamit. Nandoon sa loob ang kanyang pitaka, cell phone, pabango, chocolates at romance pocketbook. Binalik niya sa loob ng bag ang mga ito. Nasaan ba ang panyo niya? Paano na lang 'pag nakita siya nito sa ganoong ayos? 

Sumimangot siya. This day should be perfect! Todo effort siya para sa araw na iyon. Kahit asiwang-asiwa siya, tiniis niyang suotin ang denim off- shoulder dress na umabot lang hanggang sa kanyang tuhod. Tinernuhan niya ito ng puting sneakers. 

Natigil ang pag-eemote niya nang mahagip ng kanyang mata ang lalaking paparating na nakasuot ng green. Papunta ito sa kinaruruunan niya. Parating na si Carlos!

Straight to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon