Scatha

37.3K 1.5K 144
                                    

Luna.

Kasalukuyan akong nakatanga habang kaharap ang muse kong tulog na tulog. Ilang araw matapos ang muse attack ay nalaman kong may special class kami kay Lady Eavour kung saan isa isa niyang ic-check ang mga muses namin.

Una ay para malaman kung anong uri ito para sa mga bago pa lang at pangalawa ay para i-check ang progress nito magmula ng una itong lumabas.

"Ah... Lady Eavour, lagi siyang tulog. Literal na laging tulog, hindi ko rin po alam bakit." Paliwanag ko.

Nakalutang ito ngayon sa gitna namin ni Lady Eavour na kanina pa pinagmamasdan ang maliit kong muse. Bahagya niyang ginalaw ang mga daliri niya kaya dahan dahang umikot ang muse ko mula sa pwesto niya.

Nilapitan pa siya ni Lady Eavour na parang kinakabisado ang bawat sulok ng muse ko.

"This is the first time I have seen this kind of creature in the entire millennium." Seryoso niyang sabi.

Alanganin naman akong natawa sa sinabi niya.

Entire millennium...

Alam ko namang bampira 'tong si Lady Eavour pero naloloka pa rin ako lalo na't mukhang dalaga pa rin siyang tignan.

"All I know is that your muse is a dragon at kaya puro tulog ang ginagawa nito is to get some strength from you para makabalik na siya sa dragon form niya. That's why you need more sleep, Luna. Sa'yo siya kumukuha ng lakas and that process can drain you, lalo na't hindi pa gano'n kalakas ang katawan mo." Paalala niya sakin.

Tumango tango naman ako habang nakatingin pa rin sa muse ko. Dapat ko ba siyang pangalanan? Or may pangalan na siya? 

Sana naman kasi kinakausap niya ako para literal na may connection na kami diba?

Muling ginalaw ni Lady Eavour ang kanyang mga daliri at lumutang sa mismong tapat ng mata niya ang muse ko na ngayon ay humikab kaya bahagya itong naglabas ng apoy.

Napahawak naman ako ng mahigpit sa kinauupuan ko nang makaramdam na naman ng init.

"But it's been days since lumabas siya sa katawan mo kaya dapat by this time ay nakuha na niya ang lahat ng lakas niya." Taka niyang sinabi na parang kinakausap ang sarili.

Nilipat niya ang tingin niya sakin kaya halos mapatalon ako sa gulat, nakakaloka naman kasi!

Sobrang itim ng mata ni Lady Eavour sa malapitan, yung tipong kapag tumingin ka doon ay feel mo mahuhulog ka sa isang black hole.

I suddenly remembered someone who has the same dark eyes like hers.

Natigil ako sa pag-iisip nang bigla siyang sumulpot sa harap ko at ako naman ang pinagmasdan. Ano namang ginawa ko?!

"Your spirit guardian's a dragon huh." Mahina nitong sabi habang bahagyang napangisi.

"Hehe... opo." 

Nginitian niya ako pagkatapos at naglakad na papalayo sa akin. Napahinga ako ng maluwag at napapaypay pa sa sarili, na-suffocate ako bigla.

"Isang kaso lang ang alam kong may kinalaman din sa dragon but yours is way more different. Hindi nag-ibang anyo ang kanya kahit na unang beses pa lang niya 'yong napalabas." Umupo ito muli sa upuan at pinagmasdan na naman ang muse ko.

It was Dame.

Siya ang tinutukoy ni Lady Eavour.

"I don't know what's keeping your dragon from waking up but you need to give him every energy in your body."

Tumaas ang kilay ko. Lalaki pala 'to?

"I'll notify Senor Grandeur about your situation. Baka bigla ka na lang kasing bumagsak dyan ng hindi mo namamalayan." Sinubukan kong tumawa pero hindi ko nagawa.

Royal Academy #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon