Chapter 1

1 0 0
                                    

Ako po si Shaina Foster. I'm highschooler, a female student and a transferee. My Zodiac sign is... hindi nga pala kailangan ang mga ilang details para sa introduction na ito. Nag aaral ako sa Jones Academy (JNA). Dito nag aral ang mga ate at kuya noon. Pero di ko alam kung ano ang espesyal sa school na ito at pinag aral ako dito. Well kahit saan naman ako mag aral ay ok lng basta hindi masyado mahirap umuwi.

Chapter 1: Shaina's P.O.V

1st day na 1st day sa bago kong school puro mga chikahan na ang mga nakikinig kong topic sa mga taong nakakasalubong ko ngayon. Nagdradrawing lng ako sa isang upuan sa loob ng isang classroom na naglalaman ng mga strangers. Strangers... strangers... ito ako ayaw ko eh 1st day of school mag iintroduce ang lahat at may sharings. Kung pwede na lang na mas mahaba ang bakasyon para high level na ako sa nilalaro kong online game at matapos ko na ang mga ilang seasons ng mga ilang anime. Dahil maaga pa naman at nagdradrawing ako ba't hindi ko i try na makipagkaibigan. Makipagkaibigan? Hirap naman nun masyado makikipag usap sa mga strangers!. Habang iniisip ko mga bagay na iyon may lumapit na isang lalaki at babae.

"Bata, dito ka ba mag aaral sa section na ito?" tanong nila

"Oo" sabi ko. Anong sabi nila? Bata? Hindi ako bata! malaki na ako masyado para malaman nila na hindi ako bata.

"Good then boto mo ko bilang class president pag nag assign na ng mga officers. Ako si Mark Evans" sabi ng lalaki na may salamin at mukhang matalino.

"Tapos ako bilang secretary. Ako si Karen Turner. Nice to meet you" sabi naman ng babae na may maputi at mahabang buhok pero di sya ganun katangkad. Maganda sya.

Pagkatapos nun umalis na sila. Hindi manlang tinanong ang pangalan ko. Buti pa sila nakakayanan nila makipag usap sa mga transferee ng ganun. Hindi nga ba sabi ng iba "Pag kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila" edi sila ang gumawa nun. Sure ako maraming matalino dito katulad nun. Nakatingin ako sa isang lalaki na mukhang mature at parang strict sa sarili nya pero ng tiningnan ko ang ginagawa nya naglalaro pala ng Pou. Mukha lang pala ha.

Dumating ang teacher na may pangalang Mary Alvares. Sabi nya mag sisimula na kami mag introduction kasama ang mga achievements na nakamit namin. Paano na yan wala pa ako achievements buti naka upo ako sa may gitna. Then dumating ang oras na magpapakilala na ako.

"Ako po si si Shaina Foster. Galing po ako sa isang paaralan medyo malayo dito. Wala pa po akong achievement" sabi ko.

Pagkatapos ko mag salita alam ko na pinag uusapan nila ako. Alam kong mahiyain ako pero kung kailan tapos na ako mag introduction nakalimutan ko nag top 2 nga pala ako sa datiakin kong paaralan. Nakakahiya! baka akala nila walang laman utak ko. Simula ngayon Ayaw ko na may taong pinag uusapan ako. Bigla kong naisip baka ayaw ko naman sabihin sa kanila ang mga na achieve ko dahil baka akalain nila nag mamayabang ako. Sheesh.

Puro na lang knowing each other ang ginawa namin buong mag hapon. Nagkagroupings na pati. Kahit sino na lng leader wag lang ako. Mga 8 kami sa group, 4 na babae at lalaki. Di ko lng alam kung sino pwede maging kaibigan ko dun. Alam ko one day, magkakaroon din ako ng isang masaya at mabuting kabarkada katulad noon.

Pauwi na ako nang biglang may nahulog na isang lalaki sa harapan ko. Ano to? hulog ng langit? biyaya ni Lord?

"Aray ko" sabi nya.

Tiningnan ko ang nasa itaas ko siguro galing sya sa punong kahoy ng puno sa tabi ko. Then may nakita akong kuting. Alam ko sabi ni Nanay "Don't Talk to strangers" pero di ko matiis baka balak nya sagipin ang maliit na pusa na iyon?

"Kukuhain mo ba yung pusa?" tanong ko dun sa lalaki na nahulog kanina.

"Pwede din" sabi nya

"Anong pwede din?" tanong ko

"Kukuha kasi sana ako ng isang prutas dito sa punong ito nang biglang may lumabas na isang pusa yan tuloy nagulat ako" sabi sa akin ng lalaki at umakyat ulit sa puno.

Sana may dumating na teacher para makita ang ginagawa ng isang lalaking ito. Nakita kong pinipilit nung lalaki na kuhain yung pusa pero tumalon papunta sa akin yung pusa tapos kumuha sya ng prutas.

"Ako nga pala si Shin Alcantara" sabi nung lalaki.

"Ako naman si Shaina Foster" sabi ko

"Di mo na kailangan magpakilala" sabi nung lalaki na may pangalang Shin habang naghahanap ng paraan para makababa.

"Bakit naman?" tanong ko. Baka stalker to ah. Sorry Shaina pero wag masyado assuming ah.

"Hinda ba ikaw yung transferee na walang achievements? nagtataka nga yung iba kung paano ka nakapasok sa school na ito. Para lang sa mga matatalino ang school na ito" sabi sa akin ni Shin.

Mukhang minamaliit ako nito ah. Teka minamaliit na nga ako. Alam ko na maputi at may itsura tong kausap ko pero wala syang karpatan na manglait. Ano nga ba ang kaibahan ng nilalait at minamaliit?

"Mas ok na wag mong na sabihin ang mga achievements mo dahil akala ng iba pinagyayabang mo yun at iaasa sa iyo lahat ng gawain" sabi ko pero ang totoo ay nakalimutan ko lng.

"Parehas pala tayo. Hindi ko rin nasabi yung mga achievements ko dahil baka gawain nila akong officer" sabi sa akin ni Shin.

"Transferee ka rin ba?" tanong ko

"Oo... ay Hindi... Ay Oo pala" sabi ni Shin.

"Ah Ikaw ay isang old Transferee student. Geh alis na ako" sabi ko sabay umalis na ako kasama yung pusa habang si Shin naman hindi makababa ng puno. Ihulog nya na lang ulit sarili nya para makababa.

Ayaw NyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon