Chapter 2

3 0 0
                                    

Shaina's P.O.V

   Umuwi ako dala dala yung pusa sa jeep. Nakatingin sa akin yung mga pasahero ng jeep ng sinasakyan ko. Ayan nanaman, nasaakin nanaman ang mga attention ng mga tao. Nakakaasar eh. Parang everytime na kikibo ako ay tutusok sa akin ang kanilang mga mata.

    Pagka uwi ko tinago ko yung pusa sa likod ko para di makita ng magulang ko. Ayaw na ayaw nila sa Pusa kaya lagot ako... hindi pala, PATAY ako kapag nalaman nila.

  Pumasok ako sa kwarto ko. Home Sweet Home! Binaba ko yung pusa at humiga ako sa aking kama. Sarap sa pakiramdam! It feels like HEAVEN

"Meow" tunog nung pusa at inaamoy yung coloring pencil ko na red sa drawing table ko. Bumangon ako sa aking higaan at kinuha yung pusa.

"Meow"

"Sino kaya may ari ng pusang ito?" sabi ko at kinuhaan ko ng picture. Tapos bigla ko naalala yung lalaki na nakausap ko kanina.

"Shin? Shin nga ba pangalan nun? Basta Ewan. Nakababa na kaya yun sa puno?" sabi ko sa pusa.

"Meow"

"Shai" sabi ni nanay at kumatok sa pintuan.

Hala! Ah... Saan ko itatago itong pusa na ito?! Sa kahon? Sa ilalim ng higaan? o kaya... itapon ko muna sa labas? Ah Basta!

"Po?" sabi ko tapos nagbukas ang pinto.

"Kumain-" sabi ni Nanay. Mangyari na ang mangyari! pagalitan man ako ng todo okay lng. Nakapikit na ako nang...

"Ay ang cute!" sabi ng nanay ko at kinuha sa akin ang pusa.

"Nay di ka galit?" tanong ko.

"Magagalit ako kapag pusa sa kalsada ang kinuha mo" sabi ni nanay.

   Hay.. Di galit si Nanay...

"Pero Nay ibabalik ko yan sa may ari" sabi ko.

"Wag na" sabi ni Nanay.

"Pero kailangan Nay" sabi ko at kinuha yung pusa sa kamay ni nanay.

"Sige na nga" sabi ni Nanay

"Pero kapag di mo makita ang may ari sa atin na lang yan" dagdag ni Nanay tapos umalis sa kwarto ko.

"Kain ka na nga pala sa baba" sabi nanaman ni Nanay.

"Opo" sagot ko.

                         -~-~-~-

    2nd day of school! Ilang buwan pa bago matapos ang school year na ito. Hawak hawak ko yung papel na may picture ni Scarlet. Yun muna ang pangalan ng pusa habang hinahanap ko pa ang amo nito. Nagdikit ako ng isang papel sa ilang poste sa labas ng school at sa bulletin board.

   Pumasok ako sa klassroom may ilang estudyante na. Tumingin sa akin ang ilang estudyante habang naglalakad papunta sa upuan ko. May nakita akong papel sa upuan ko. B*bo ang nakalagay sa papel ngunit may "w" sa huli.

   Sheesh simpleng salita na nga lamang hindi pa alam ang spelling. Tumingin ako sa kanila at nakatingin din sila sa akin. Lumabas ako at itatapon ko na yung papel sa trash can.

"Teka" sabi ng isang babae na may itsura na pang korean pero mukha syang pagod.

"Bakit?" tanong ko.

"Patingin ng papel" sabi niya habang nahingal. Ibinigay ko yung papel.

"Hindi pala ito yung papel na hinahanap ko" sabi nya tapos tinapon nya.

"Sorry.. pero ba't ka naghahanap ng papel ng ganung kaliit?" tanong ko.

"Bago ko sa iyo sabihin... May tubig ka ba dyan?" tanong niya. Kinuha ko yung mineral bottle ko sa shoulder bag ko tapos uminom sya.

Ayaw NyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon