Dear Jeremy (One-shot Story)

255 8 1
                                    

=====

Dear Jeremy,

Natatandaan ko pa noong 1st year highschool tayo, nakaupo ako malapit sa volleyball court 'nun. Lahat ng babae 'nun ay kinikilig maliban lang sa akin. Hindi ko kasi ma-gets kung bakit sila nahuhumaling sa'yo. Gwapo ka nga pero ubod ka naman ng yabang!

"Hahaha! Ang laki kasi ng pisngi mo. Mukha ka kasing bola kaya sinusundan ka!"

Yan ang sinabi mo sa akin nung natamaan mo ako ng bola sa mukha habang naglalaro kayo ng volleyball kasama ang barkada mo. Nakakainis ka talaga kahit na ang gwapo mo nung mga panahon na 'yun kahit na pawisan ka dahil sa paglalaro, namumula ang pisngi mo dahil sa init at pagod. Yung mga mata mong nakikisabay sa pag ngiti ng mga labi mong pink at ang buhok mo na pang K-pop and dating. Ang matangos mong ilong na--- teka! Bakit ba kita pinupuri? Naiinis nga ako sa'yo diba?! Kasi hindi ka man lang nag sorry! Ang sakit kaya nung pagkakatama sa akin ng bola, pero mas masakit nung napahiya ako sa harapan ng mga barkada mo nung pinagtawanan mo ako.

Ilang linggo ang nakalipas, muli nanaman tayong pinagtagpo ng tadhana. Nasa harapan kita habang nakapila tayo sa cafeteria kaya naman naiirita ako sa'yo dahil ang likot-likot mo! Ilang beses mo na ngang natapakan ang shoes ko pero parang hindi mo yata pansin kaya naman sa huling pagkakataon na tinapakan mo ang sapatos ko ay napikon na talaga ako.

"Hoy! Ano ba?! Ang harot mo naman! Kanina mo pa ako tinatapakan dito, hindi ka man lang makaramdam?!"

Nagbulungan ang mga babae sa paligid ko dahil sinigawan kita. Tumingin ka lang sa akin nun nang may blangkong ekspresyon sa mukha at tinalikuran mo na ako. Ni-deadma mo lang ako at itinuloy mo ang pakikipagharutan mo sa harap. Alam mo ba na gusto ko nang ihampas sa ulo mo yung bote ng Sprite na hawak ko?! Nagtiis na lang ako hanggang sa matapos ang pila. Bago ako lumabas ng canteen ay may narinig pa akong babae na sinabing,

"Ang kapal naman ng mukha niya para sigawan si Jeremy ng ganun! Ang swerte niya nga dahil nasa harapan niya na si Jeremy KO eh. Kaso, ang malas din niya kasi hindi naman siya pinansin nung sumigaw siya eh, na-seenzoned lang siya. Baka style niya lang yung pagsigaw niya kanina para lang akitin niya si Jeremy KO."

Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na 'yun. Nakita ko yung mga babae na ubod nang landi at arte na nakatingin ng masama sa akin habang nakataas pa ang mga kilay nila na halatang ni-drawing lang. Mga peste! Gusto kong sabihin sa kanila na "Ode sa inyo na yang Jeremy niyo! Ang sarap niyong buhusan ng tubig sa mukha para mabura yang mala-coloring book niyong pagmu-mukha!" Kaso hindi ko na lang sila pinatulan dahil ang sabi ni Mamita sa akin, huwag akong papatol sa mga taong may diperensya sa utak.

Second year highschool na tayo at nagpapasalamat ako dahil hindi tayo naging magkaklase. Every school year kasi nisha-shuffle ang listahan ng mga estudyante 'diba? Kaya ayun, loner pa rin ako kahit na iba na yung mga kaklase ko ngayong taon na 'to. Nakakainis kasi, lahat sila may gusto pa rin sa'yo. At akala mo ba hindi ko nabalitaan na halos lahat ng kababaihan sa batch natin ay naging ka M.U. (Mutual Undersanding slash Malanding Usapan) mo? Hindi ka lang pala mayabang ano? Malandi ka rin. HA-HA! Sa loob nang isang taon lamang ganun karami yung naging ka-Malanding Usapan mo.

Naiirita talaga ako sa tuwing makakarinig ako ng mga babae na kinikilig habang pinag-uusapan nila ang pangalang "Jeremy Cortez." Hindi ba nila alam kung gaano ka kayabang? Sila din pala yung mga babae na palagi akong iniirapan at sinusungitan dahil daw ang weird ko. Weird ba kung hindi kita magustuhan? Eh, parang mas abnormal nga sila dahil ikaw yung pinagnanasaan nila. Kadiri.

Sobrang na-badtrip ako nung nalaman kong magiging kaklase kita ng 3rd year highschool. At ang pinaka-masaklap ay ang pagtabihin tayo ng class adviser natin.

Dear Jeremy (One-shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon