8

8 5 0
                                    

Chapter Title: Room

~~~~~~~~~~~~~~~

Shynie's Point Of View

Kanina bago kumatok sa kwarto ko si ate ay may hinahanap ako kaya ako natataranta.

Yung laptop ko kasi diko alam san nalagay blogger kasi ako e kailangan ko yun. So ayun nga lumabas muna ako para pumasok sa school.

Sa kasalukuyan naman ay nandito kami lahat sa sala dahil naka video chat sina mom at dad pati sina tito at tita.

"How's first day mga anak?" Tanong ni mom.

"Okay lang po as usual HAHA" Natawa din ako ng bahagya.

"Kayong kambal kumusta school? Approachable ba ang students?" Tanong ni mom ulit.

"Yes tita. Feel ko talaga ang warm welcome" naka ngiting sagot ni Cyruz.

"Maraming magaganda tita!" Sagot naman ni Psyche. Naku hetong lalaki talaga na to.

"Ikaw talagang bata ka" natatawang sabi ng mama ni Tita .

Nag kwentuhan lang kami saglit at nag paalam na sila.

Nag handa na si yaya ng kakainin namin. "Maam sir handa na po ang pagkain"

Nag tungo kami sa dining at nag simula na kumain.

Binilisan ko ang pag kain ko para hanapin yung laptop ko.

"Im finish. Akyat na po ako" sabi ko. Nilingon naman nila ako.

"Bilis mo ata?" Tanong ni kuya Cyruz.

"Hahanapin ko pa po laptop ko e"

"Wait. Yung kulay Gray ba laptop mo?" Sumingit si Kuya Psyche sa usapan.

"Opo nakita mo po?" Tanong ko sakanya.

"Hindi e" napa busangot ako dahil sa sagot nya.

"Joke lang. Nandun sa sala sa tabi ng TV. Naiwan mo ata kagabi tinabi ko." Bawi nya sa sinabi nya kanina.

Tumayo na ako "thanks"

Pumunta ako ng sala at tinignan kung nandun nga. Nakita ko yung laptop ko sa gilid ng TV

"Blogger ka pala" hik! Buset sino yun?

Lumingon ako at "psh ikaw lang pala Renz" inirapan ko sya at umupo sa sofa at ni open ang laptop ko.

Celebrity CoupleWhere stories live. Discover now