Chapter 10

540 23 4
                                    

LYCA'S POV

buti na lang at nagising ako ng maaga...nakalimutan ko mag set ng alarm kagabi. Ni hindi ko na nga namalayan kung anong oras ako nakatulog eh.

Ang hapdi pa rin ng mata ko, di ko alam kung ilang oras ako umiyak dahil sa nangyari...

Tanggapin mo na Lyca. Parte yan ng pag momove on mo.

Inayos ko ang mukha ko para hindi halatang umiyak ng umiyak kagabi, nilagyan ko ng concealer ang eyebags ko tapos foundation..light lang para lang talaga hindi mahalata.

After kong gawin ang mga kung ano-anong ekek bumaba na ako

Pagbaba ko ay naabutan ko si Ate Dhel na naglilinis, di ko na naabutan si mommy kasi maaga talaga syang umaalis para sa restaurant si dad naman ay tulog pa siguro..mamaya pang hapon ang pasok niya.

"Ate Dhel, nandyan na po ba si Kuya Alex?"

"Ahh oo Lyca, kanina pa."

"Ah sige po, una na po ako"

"Sige anak, ingat"

"Salamat po"

Pumunta na akong garahe. Pag dating ko dun ay kakatapos lang mag almusal ni Kuya Alex

"Tara na po kuya"

"Sige"

Binuksan na ni kuya ang gate at pumasok na ako sa sasakyan. Sinuot ko ang earphones ko para makinig ng musics sa phone dahil medyo malayo pa ang school mula rito sa bahay.

naalala ko na naman yung usapan namin ni Sam kagabi.

Expected ko na na papayag siya eh pero alam nyo yun, may parte sa katawan ko na humihiling na sana kahit malabo naman talaga mangyari ay mag pumilit siya na hindi niya gagawing umiwas kasi mahal niya pa rin ako kaso hindi na eh..kaya ganon.

Tyaka mas okay na rin talaga 'to. Mas mabilis akong makakapag-move on.

"Lyca, nandito na tayo"

di ko na namalayan na nakarating na pala kami sa school

"Sige po Kuya. Kita na lang po ulit tayo mamaya. Ingat po kayo"

mahabang sabi ko tyaka bumaba ng sasakyan at pumunta ng classroom

"Lyca!!!!!" si Ac talaga kapag nakikita ako, akala mo eh pagkatagal-tagal naming di nagkikita

"Eyyy"

"Alam mo ba? Kanina nung wala ka pa..." naks may panibagong chika, umagang-umaga hahahaha "...nakita ko si Sam tyaka Mitch na nag uusap kanina and hindi sila sabay na pumasok ngayon"

oww.. baka nagkataon lang na hindi sila sabay

"Ano namang meron dun?"

"Ang sabi sakin ni Raven..." friend ni Mitch "...sinabi daw ni Sam kay Mitch na titigilan na daw niya ang panliligaw niya kay Mitch. Ayaw sabihin ni Raven kung anong dahilan eh"

Ano daw?? ngayon nga at wala na silang hadlang para ipagpatuloy yun, tyaka pa naisipan ni Sam na itigil. Ano naman kayang pumasok sa kokote nun?

"Nga pala, di ka na nagkekwento ah! Kamusta na nga pala yung pagpapanggap kuno nyo?"

Shook, muntik ko na makalimutan ah. Kakausapin ko nga pala si Kim about dyan.

"Ahh kakausapin ko na si Kim namaya at sasabihin kong titigil na kami"

"Ay sad naman. Alam naman ba ni Sam ang plano mong yan?"

"Oo. Nakausap ko siya kagabi. Nasa bahay kasi sila kahapon"

LimitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon