Prologue

110 7 5
                                    

Author’s Note: This story is sequel of A Munchkin Love Story (One-shot Story) by areejdelosreyes. If you guys haven’t read it yet, I must recommend you to read her story first. The first part of the story might confuse you a bit if hindi po kayo makabasa nun. For you to see it, click the external link sa side po. Thankies.  --->

Disclaimer: All characters and other entities appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons' names, dead or alive, or other real-life entities, past or present, places, events and incidents are  purely coincidental. They are the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner.

________________________________________________________

I never assumed having a relationship in just a ‘tick’ of a clock without waiting its ‘tack’ to sound.

Who would have thought na ang long term idol slash crush slash first love ko eh magiging first boyfriend ko in the future.

YES. NBSB. No boyfriend since birth ang peg ko.

Hindi naman sa walang nanliligaw sakin. In fact, hindi sa pagmamayabang,  I have many suitors.

Nung February nga eh, which is last month, puno ang locker ko ng mga gifts and stuffs. Pati upuan ko sa classroom naming madaming letters and chocolates.

Anyway, sobrang thankful talaga ako kay Maureen sa kanyang panindang munchkins. Kung di dahil dun siguro habang panaginip nalang sa akin si Mark.

At salamat rin kay Ate Karnylle, kung hindi niya tinawag si Mark after ng dismissal nila eh hindi ko mabebenta ang munchkin, hindi kami magkaka-usap, at lalong-lalong hindi ko malalaman ang feelings niya saakin.

Pero would it be great if papasok ako sa tinatawag nilang LOVE?

Parang hindi pa ata ako ready eh.

Hindi pa ako ready na masaktan.

Hindi pa ako ready na umiyak sa ibang tao.

Hindi pa ako ready na mga posibleng mangyayari.

Nag-aalinlangan ako.

Natatakot ako.

Natatakot na kapag gumising ako kinabukasan eh mag-iba ang ihip ng hangin.

Mag-iba ang nararamdam ko, namin sa isa't-isa.

Takot akong makasakit ng tao, lalo na pag mahal ko at minahal ako.

Takot akong masaktan.

Kinakabahan na rin.

Kinakabahan kung ano ang patutunguhan nito.

Kinakabahan kung saan hahangtong ang ganitong pangyayari sa buhay ko.

First time ko kasi to.

Masyado pa akong naguguluhan.

At parang ang bilis ng pangyayari. Hindi ko inaakala na ang oh-so-famous-guy sa school eh may crush pa la sakin. Oops. Scratch that. I mean, mahal niya pala ako.

“Mahal kita Marie Torres.”

“Mahal kita Marie Torres.”

“Mahal kita Marie Torres.”

Those words keep flashing on my mind. Naa-anoyed man ako minsan eh hindi ko pa rin maitatago na kinikilig ako pagnaiisip ko yun.

Nagtataka rin ako kung paano, kailan, at saang parte ng aking bodily systems nainlove si Mark.

I mean, hindi naman ako isang famous sa school kagaya niya.

Hindi rin ako ang pinakamatalino sa aming klase. I get high grades though.

Hindi rin naman kami classmates. Magkatabi lang mga classrooms namin.

Hindi rin naman kami clubmates.

Sa dance club siya.

Ako naman sa Photography club.

Malayo ang bahay namin sa kanila.

Hindi rin magkakilala mga parents namin, I think?

Hindi rin naman ako maganda, hindi rin pangit yung parang neutral lang ang beauty ko. Oi. Pero wag ka, madaming nagsasabing maganda daw ako. Hihihihi. Flattered naman ang Lola niyo. Hahaha.

Ewan na nga lang.

Pero hindi ko dadaanin sa bilis ang mga pangyayari. I will take it slowly.

Ika nga nila, let things fall to its place on its own.

Sana nga lang tama ang mga desisyon na ginagawa ko.

I don’t like the idea of being failed into something.

Kahit minsan sa buhay ko, hindi pa ako nakaranas ng pagkabigo sa tinatawag nilang LOVE.

Hindi ko pa binigyan ng kahit isang segundo ang umiyak ng dahil sa LOVE.

Lalo na ang magpakatanga nang dahil lang sa LOVE.

At sana nga lang, the choices I’ve made…will never be my first fiasco.

I'm Areej Marie Torres. In love to a guy named Mark Yap. And this is my not-so-typical-love-story-you've-ever-read-so-far.

_____________________________________________________

Hohohohohohohho.

Hello there.  *wave, wave and wink*

This is my first serious posted story and I'm hoping you guys would like reading this one. And please drop me your comments, suggestions and all, and help me improve my writing skills too. Thank you ng wambilyong heart heart guys. Lablab. ^_^v   <3

xxx-KC

Choices I've MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon