The Trivial Revenge: Prologue

15 3 0
                                    

Isa lamang siyang normal na naninirahan sa lugar na kilala sa tawag na Harem; malaking isla at maraming problema.

Kinupkop siya ng isang mahirap na pamilya at tinuruang mamuhay nang masaya at makuntento sa kung anong meron siya.

Siya ay si Rechida Sherman.

Nahahati ang Lugar na ginagalawan niya sa limang Munisipalidad. Ito ay ang mga bayan ng Phyra, Donggan, Aranda, Wiglian at Masha.

Ang bawat munisipalidad ay may kanya kanyang pinagmamalaking paaralan, mga naglalakihang gusali at kapangyarihan. Istrikto ang bawat munisipalidad kaya bawal makapasok ang kahit sino na walang kinalaman sa lugar na iyon, maliban na lamang kung ito'y inimbitahan

Ang bayan ng Phyra ay para sa mga taong may abilidad na may kinalaman sa Apoy, ang Donggan naman ay sa kagubatan, Aranda ay sa Hangin at ang Wiglian ay para sa Katubigan.

Nabibilang si Rechida sa bayan ng Masha kung saan naririto ang mga normal at walang kinabibilangang uri ng abilidad na makapangyarihan.

Ang natatanging pinagmamalaki ng bayan niya ay ang Pisikal na kakayahan.

Sa isang laro na ipinatupad ng mga opisyal ng  Harem ay nagkagulo ang mga Bayan. Ito ay isang paraan upang mabawasan ang pupulasyon at sa bawat pagpatay ay may kaakibat na gantimpala.

Laro ito sa pagitan ng bawat bayan.

Ubusan ng lahi at payamanan.

The never ending fight will happen soon



***

The Trivial Revenge

By: KaHeLmAcKy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Trivial RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon