Ampalaya 1

48 3 7
                                    


DANIELLA CRUZ P. O. V

"baby say ahh"

"Baby ang sweet sweet mo talaga" kinikilig na sabi ni Cass

Panira talaga silang mag jowa ng araw promise!

"Yats,Enzo tigilan nyo nga yan!!"

"Yats naman eh *pout*"

"Tsk Cassandra Santos di mo ako madadaan sa pag pout mo tsk"

Kadiri talaga to

Ay nako inatake na naman ng pagiging isip bata

Inirapan ko na lang ito
Nadidiri ako pramis!

"Aww baby ni reject ni Ella yung pout ko huhu"

"Ako di ko irereject pout mo baby"

Bago pa sila mag kiss tumayo na ako. Di ko talaga kayang tagalan ang landian nilang dalawa. Take note na araw araw yan like iww kaya

"Yats, Enzo una na 'ko ha. Hoy Cassandra malapit na mag 9:30 kaya pumasok kana sa klase mo! "

Sermon ko saka nag lakad palayo

Ang dalawang yun akala naman may forever

Oh!

Btw

My name is Daniella Cruz, grade 12 student. Senior High School to be exact. Ako daw ang BitterElla ng Hyo Ra University. Nasanay na din ako sa tawag nila sakin kaya tanggap ko na. DUH! Proud kaya ako sa sarili ko and well sorry just being dyosa here

Malelate na ko kaya saka ko na itutuloy ang pagpapakilala ko.


°°°°

"Ok class dismiss"

"Hays thanks god nakakapiga talaga ng utak"

"Grabe ka mam lagi mo na lang kaming pinahihirapan"

Kanya kanyang comments ang mga kaklase ko

Habang nagliligpit ng gamit ko biglang may nagsalita sa likod ko

"Yatsss! tara sa mall! Hanggang 11 lang daw ang klase dahil may meeting!!"

"Tayong dalawa lang?"

"Hindi noh! Syempre kasama ang baby Enzo ko"

"Aish maglalandian lang kayo eh!"

"Oy yats grabe talaga sige na libre ka namin"

Libre daw? Wala ng atrasan to. Titiisin ko na lang kalandian nilang dalawa -_-

"Yats tara na sa parking lot naghihintay na si enzo ko!"

Kinuha ko ang cellphone at headset ko. Dating gawi pag kasama sila

Nakarating kami ng mall at syempre magka- akbay yung dalawa habang naglalakad at ako ito nasa likod nila at loner na naman ang lola nyo it's ok maganda naman ako

"Yats san tayo? KFC o jollibee?"

"Mcdo"
Maikling sagot ko

"Ihhh yats naman di ka pa ba nagsasawa dun? Nag mo-move on ka ba ha?"
Naiinis na sabi nya

Mas nainis ako kesa sa kanya. Wag lang ako pigilan ni Enzo papasakan ko ng bola bibig neto -_-

"Baby"

Nag aalangang saway ni Enzo kay Cass

"Omo! Waahh yats sorry huhu"
Lumapit sya sakin at yumakap pa tss eto na naman sya

"Ok lang"

Pero hindi pa din sya nakinig at yakap yakap pa din ako

Tss porket maliit sya eh ang dali lang sa kanya na mang yakap.

Kunware di kami magka height ah

"No! Yats sorry na huhu sayo muna ako sasama"

Napatingin na lang ako kay Enzo

Well sanay na kami kay Cass

Nagkibit balikat na lang kami

Nandito na kami sa Mcdo at wala atang balak lumayo ni Cass sakin palibhasa may kasalanan

"Baby sasama ka oorder tayo?"

Aya ni Enzo at sino ba naman ang bestfriend ko para tumanggi
Agad agad tumayo si Cass at magkasama silang pumunta sa counter. At ito mag isa na naman ako

Binuksan ko ang cellphone ko para mag online ichachat ko pa kasi pinsan ko. Biglang may notification from facebook

Flent Khean Ramos

"I'm back, Philippines..."

Automatic na nanlaki ang mata ko

Ang dyosa kong mata rather

H-he's back











BitterEllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon