▶ PIGGY BACK RIDE

1K 48 8
                                    

Narration, (special chappy).

▶   ▶   ▶

Lalisa Drei Sumaya,

Lumabas ako sa CR na pinagbihisan ko. Naabutan ko si Jennie sa labas at nangangalikot ng phone.

"Alika na," pambungad ko at nilapitan siya.

Napatigil naman siya sa ginagawa niya at sinamaan ako ng tingin, "Ang tagal mo, pa-VIP ka pa, eh." Minangutan niya ako at inirapan. "Buti sana kung ikaw si Fafa Jin, eh."

"Tangnang 'to, landi mo, ine." Nasabi ko na lang at ikinawit ang braso ko sa braso niya. "Halika na."

Hinila ko na siya pababa at lumabas na kami. Wala na nga sa may lobby si Jisoo, eh. Baka nainip na.

Paano ba naman kasi ako hindi tatagal? Hindi kasi nakikisama ang t-shirt na suot ko. Hindi man lang umabot kahit hanggang sa kalahati ng hita ko, kita pa rin tuloy ang suot kong pang-ibaba. Hila tuloy ako ng hila sa laylayan nito.

Hindi ko akalain na mae-expose ng ganito ang hita at legs ko. Feeling ko, lagi na lang may nakatingin. Tangina, para 'kong namamanyak sa tingin.

Nang makalabas kami at napunta sa may tabing dagat, tirik na ang araw at mahapdi na ito sa balat. 'Yan ba 'yung dapat mag-two piece? Mangingitim ako niyan, eh. Kulay ko na nga lang ang maipagmamalaki ko, matutusta pa.

"Lisa!"

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang sabay na pagtawag ni Jisoo at Rose. Bakit ba nukha silang kambal, 'pag sa unang tingin. Para pa silang magkaboses. Nung una nga, hirap akong tandaan kung sino si Rose o si Jisoo.

May pinagkaiba naman sila. Si Rose, parang ang sungit ng mukha, samantalang si Jisoo naman ay parang anghel. Yeah. Corny ng description ko, ano?

Nakita ko silang papalapit sa amin ni Jennie. Eto naman isa ay tinanggal na ang pagkaka-angkla ng aking braso sa kanya at tinignan ako.

"'Wag ka ngang kumapit, kala tuloy nung ibang fafa, tomboy ako." Nakamangot niyang sabi, natawa ako. "At umayos ka nga! Nandyan lang sa paligid si Jung."

Para namang may kung ano sa akin at bigla kong inilibot ang paningin ko. Nagbabaka-sakaling makita ko siya. Pero ang bumungad sa akin nang mapabaling ako sa aking kanan ay ang apat na lalakeng puro may pandesal ang tumatakbo papunta sa aking direksyon.

Bigla akong nasilaw, napapikit ako at muling ibinaling ang paningin kay Jen na pinapanood ang paglapit ng apat. Ngiting-ngiti ito.

Tinakpan ko ang mata niya, "Jennie, ang manyak mo."

"Ayts, ano ba!" Tinanggal niya ang kamay ko at muling tumingin kila Jin na nasa harap na namin. Sumunod nama sila Rose at Jisoo.

"Lisa, patingin na, bilis," Hirit ni Rose na siyang dahilan ng biglaan kong pagbaling sa kanya. "Pinangako mo 'yon." Nginisian niya ako pero minangutan ko siya.

"Luh, wala akong sinabi." Nanlalaking mata kong tugon. Umirap naman ito, sanhi ng pagtawa naming pito.

"Siya, ganto na lang, mamaya na kayo magganyanan." Natatawang sambit ni Jisoo. "Let's divide into two, kaming girls, tapos kayong boys."

UTANGhamnida ▶ LisKook [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon