"Good morning, princess."
Pagdilat ng mata ko, nakita ko si Dwane. Napatayo agad ako at nagpunta sa cr para maghilamos at mag toothbrush. Aish! Ano ba yan! Oo nga pala! Pupunta sya dito sa bahay!
He laughed, "Asan kiss ko?"
Lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng mabilis na halik, "Kanina ka pa?"
"Oo. Pinagmamasdan kitang matulog." Ngumiti sya at niyakap ako, "Magbreakfast na tayo?"
Bumaba kami at pinaghanda ko sya ng breakfast. Nakakahiya! Tatlong taon na kami ni Dwane pero nahihiya pa rin ako sa kanya tuwing makikita nyang natutulog ako at nakanganga.
"Sana ginising mo ako, mahal."
"Ang himbing ng tulog mo eh, ang ganda mo nga matulog. Nakanganga."Hinampas ko sya at nagtawanan kami. Kumain kami ng breakfast at nanood ng movie. Days like this are so precious to me. Yung nasosolo ko si Dwane.
"Mahal?" Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi, "Thank you."
"Bakit ka nag tthank you?"
"Wala, for everything. For being better."Alam nya kung ano yun. Tumango sya at hinalikan ako sa noo. Ofcourse, he's getting better na. For me. For us. For himself.
"Gusto ko pa ring humingi ng sorry mahal." Huminga sya ng malalim at tinitigan ako sa mga mata.
"Alam ko na matagal na yun pero sorry pa rin. For being a jerk."
"O-okay lang mahal."
Matagal na yun.
Pero masakit pa rin. Tuwing maiisip ko yung dati, di ko maiwasan napangiti. We've been through worst. Lahat ng klase ng away, naranasan na namin.
We survived infidelity.
What else can we not survive?
"Babawi ako sayo, nararamdaman mo naman diba?"
Tumango ako at ngumiti, "Thanks mahal."
1pm. Nakatulog kami ni Dwane pagkatapos maglunch. Weekend ngayon naalala ko, buti na lang at wala kaming pasok ni Dwane. Tumayo ako sa kama para maligo. Aayain ko sya na mag mall.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako at pinuntahan si Dwane sa kwarto ko. Mahimbing pa rin syang natutulog.
I stare at him and for a while, I realize how lucky I am to have him.
Physically? Gwapo si Dwane. Maputi. Mapungay ang mga mata. Matangos ang ilong. You will never see an acne on his face. Makinis sya, matangkad at matikas ang katawan. He's an angel. Marami syang nabiktimang babae lalo na noong highschool kami.
Basketball player, swimmer at skater boy sya. Any girl will die just to get a smile or wink from him.
"Mahal ko."
Napatigil ako, gising na sya. "Tara sa mall?"
"Can we just cuddle all day?"
"I would love to, pero namimiss ko ng mag arcade kasama ka.""Phoebe, wag kang magpout."
"Why?" Kumunot ang noo ko at lalo akong nagpout."Ang cute mo kasi. Lika dito," lumapit ako sa kanya. "Mag mamall tayo if and only if.."
"What?" Ngumiti ako, "Kiss na naman?"
Nagpout sya. Ang cute ni Dwane maglambing, I gave him a quick but passionate kiss. "Okay na?"
"One more." He winks at me.
"Tara na, baka kung saan pa mapunta to."Humalakhak sya ng malakas, "I know mahal. Okay, let's go."
-----------*
AN: KINIKILIG AKO HABANG NAGTATYPE OMG. HAHAHAHAAHAHA
VOTE. COMMENT.
YOU ARE READING
I Am The Jerk's Girlfriend
Teen FictionNainlove ka sa gago.... paano na to?! May pag asa pa bang mag bago ang gago?