Prologue
NAKAKAPAGOD. Nakakapagod umasa sa taong alam mong hindi ka mamahalin. Nakakapagod umasa sa taong hanggang pangako lang. Yung mamahalin ka pero ipagpapalit ka lang niya sa mukhang paa. Pero alam kong hindi ko kailangan magpakatanga kung alam ko naman na may paraan para makalimutan siya.
Ako si Sheena, ang magiging bida? o kontrabida o eeksena sa lovelife ng iba. Ito ang love story ko na ako naghahangad na mahalin pero natatakot na magmahal muli nagsusumikap na makalimutan siya at umaasang magkakaroon ng maligayang pag-iibigan ngunit ako'y pinagpalit lang at pinaasa. Naniniwala ako na ang love ay parang pera na mahirap makakuha at nakakapanghina kapag nawala.
Lahat tayo ay may kanya-kanyang love story. Ang storya na tayo mismo ang magmimistulang manunulat sa bawat pahina. Love story na hindi dapat tayo eeksena sa lovelife ng iba. Mga sarili nating lovelife na gusto nating magkaroon ng happy ending.