Introduction

7 1 0
                                    

This story is greatly is inspired by I Will Always Stay In Love This Way by Nina.

---

Na-aalala ko pa 'yung panahong halos hindi tayo mapag-hiwalay. Na para bang isinilang tayo sa mundo upang maging kasangga ang isa't isa sa kahit ano. You always save me when I'm in trouble. Na para bang ikaw ang knight in shining armour ko at ako ang damsel in distress mo. 

We used to promise to each other that nothing will ever change. Walang magbabago sa ating dalawa. Na kahit humagupit man ang malakas na bagyo at subukin man nun ang pagka-kaibigan natin, lalaban parin tayo hanggang sa dulo.

But that was back then.

Ipinikit ko ang mga mata ko at sinariwa ang masarap na simoy ng hangin dito sa veranda. Hindi ko na inalintana ang lamig. Maging ang magulo kong buhok ay hindi ko na inayos pa. Some things are better like this: a mess. A beautiful mess.

Idinilat ko ang mga mata ko at tumingala sa magandang langit. Kumutitap ang mga bituin na para bang kumikindat ang mga ito sa'kin. Itinaas ko ang kanang kamay ko na para bang inaabot ang mga magagandang tala na nagkalat sa langit.

Isang mapait na ngiti ang kumurba sa labi ko nang mapagtanto ko na kahit anong gawin at ipilit ko, hindi ko sila maaabot. They're too far from my grasp. At kahit akyatin ko man ang pinaka-mataas na bundok sa daigdig at ang isang bahag-hari, kahit hiramin ko man sa Diyos ang pinaka-mahabang panungkit.. hindi ko pa din sila ma-aabot. Siguro hanggang tingin lang talaga ako. 

Sa unang tingin, parang ang lapit-lapit lang nila. Pero ang totoo, halos milyun-milyong mundo ang layo nila sa akin. Parang ikaw..

Dati, ika'y nasa tabi ko pa. Pero ngayon, kahit malapit ka, ramdam ko, may isang malaking pader na humaharang sa ating dalawa.

Napatigil ako nang marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Lumingon ako at nakita ko ang mga kurtina na nakasabit sa pintuan ng veranda na wumawagayway sa hangin. At nang bahagyang mahawi ang mga ito, bumulaga sa akin si Cal na tinititigan ako gamit ang kanyang maiitim at malalalim na mga mata.

"Para kang tanga," kumento niya at ngumiwi bago isinuksok ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. "Pinapatawag ka na nina tita. Kakain na daw." Walang emosyong saad nito at walang pasabing tumalikod sa akin.

Lumandas ang mga luha mula sa mga mata ko pababa sa mga pisngi ko. Tumango ako at ngumiti sa kawalan.

"Even if you change your ways," Saad ko sa isang namamaos na boses bago tumingala ulit sa mga tala na nagniningning sa kalangitan.

"I will always stay in love this way with you." Taos-puso kong bulong sa hangin bago ko marinig ang malakas na pagkalabog ng pintuan. Napapikit ako ng mariin at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko bago tahimik na humikbi.

Yes, Cal. Push me away, hurt me and say those words that will truly pierce my heart. Tatanggapin ko. I deserve that.

But I will always stay in love this way with you.

I Will Always Stay In Love This WayWhere stories live. Discover now