[ Mariana: Flashback. Written in third person's point of view ]
Chapter 1: Distansya
Simula nung mawala ang kanyang mga magulang, naiwan na si Calypso sa kanyang tiya. Akala nito, magiging maayos ang buhay niya sa puder ng kanyang tita ngunit ang inakala niyang magandang buhay ay isa palang impyerno na binihisan na para bang isang paraiso.
Minaltrato siya nito at pinagtrabaho. At nung lumaki na ang bata, basta-basta nalang iniwan sa isang madilim na eskenita.
Hindi alam ni Calypso kung papaano siya mabubuhay noon. Ang tanging alam niya lang ay ang umiyak habang tinatawag ang kanyang mga magulang na nasawi sa isang trahedya.
Ni walang tumulong sa kanya. Ni kaunting amor walang gumapang sa mga puso ng mga taong dinaraanan siya. Dalawang araw itong nanatili roon habang walang humpay ang pag-bagsak ng malamig na ulan. Inaapoy na ito sa lagnat at nanginginig na. Ang kanyang labi ay puting-puti na na animo'y ibinabad ito sa isang mangkok ng suka.
Hindi ito umalis doon, nagba-baka sakaling babalikan siya ng kanyang tiya. Ngunit ilang araw pa ang lumipas, ni anino man ng kanyang kadugo ay hindi niya nakita.
Madilim na noon at umuulan parin ng malakas. Saktong kakatapos lang manindahan ni Nanang Celi at sakto namang madaraanan niya ang eskenita, na kung saan naroroon si Calypso.
"Diyos ko, bakit ka nila pinabayaan ng ganito?" Malumanay na bulong ni Nana Celi nang makita ang kalagayan ni Calypso. Nanginginig, puno ng kung anong kagat ng insekto ang katawan at nag-aapoy sa lagnat.
Inuwi nito ang bata at inalagaan. Tuwang-tuwa naman si Nana Celi sa tuwing nagpapasalamat iyong si Calypso. Dumaan ang ilang araw at bumuti na ang pakiramdam nito kaya naman masigla na ito at umiindak na sa tugtugin na pinapatugtog ng Nana niya habang sila'y naglilinis sa buong bahay.
Ngunit nung isang araw, kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata ng batang lalaki. Napansin iyon ni Nana Celi kaya kaagad niyang kinausap ang bata.
"Cal, apo? May problema ka ba?" Tanong ni Nana Celi habang inilalapag niya sa pabilog na mesa ang kanyang masarap na adobo.
Tinitigan ni Calypso ang matanda saglit. Hindi nagtagal, namuo ang luha sa mga mata nito kaya naman napatigil ang matanda. Umupo ito sa isang upuan sa tabi ni Calypso at hinawakan ng matanda ang maliliit na kamay niya.
"Bakit? Anong meron? Ayaw mo ba ng adobo? May masakit ba sayo? Bakit, apo?" Nag-aalalang tanong ni Nana Celi sa kanya. Umiling si Calypso at binawi ang isa sa kanyang kamay upang i-pangpunas sa kanyang lumuluhang mga mata.
"Natatakot lang po ako na baka ibigay niyo ulit ako kay tita." Malungkot na saad nito dahilan para humabag ang puso ng matanda. Yinakap niya ito ng sobrang higpit at ipinangako sa sarili na matatamasa ng kawawang bata ang saya ng buhay dahil iyon ang nararapat para sa kanya.
Isang araw, umuwi ang ka-isa isang anak ni Nana Celi na si Rhea kasama ang kanyang asawa na si Edward at ang kanilang babaeng anak na si Charlotte. Galing ang mga ito sa London at naisipang umuwi para makasama ang Nana Celi habang hindi pa ito gaanong tumatanda. At iyon din ang araw na nagkita ang dalawa.
"What are you doing?" Takhang tanong ni Charlotte sa isang maarteng british accent nang makita niyang may ginagawang kung ano si Calypso habang nakaupo sa mga damo.
Lumingon si Calypso sa kanya. May putik ang mukha nito partikular sa kanyang dalawang bilog na pisngi. Tumayo ito sa pagkaka-upo at pinagpagan ang kanyang puwitan bago harapin si Charlotte.
"Nagluluto." Saad nito. Tinaas naman ni Charlotte ang kanyang kanang kilay sabay sabing,
"Nagluluto? What are you cooking?" Tanong muli nito. Napangiti si Calypso dahilan para makita ni Charlotte ang kanyang sira-sirang mga ngipin. Napangiti din ang batang babae sa hindi malaman-lamang dahilan.
"Samahan mo ko, gusto mo?" Nakangising saad nito bago hilahin si Charlotte.
Naging maayos nung una ang kanilang paglalaro ngunit nabulabog sina Rhea, Edward at Nana Celi nang nagsisisigaw si Calypso.
Dali-daling tumakbo ang tatlo sa likod bahay kung saan nila narinig ang sigaw ng batang lalaki.
"Cal? Napapano ka, ijo?"
"Charlotte, what did you do to him?"
Sabay na tanong nina Nana Celi at Rhea. Napatingin ang dalawang bata sa mga matatanda. Lumagapak ang mga kamay nina Nana Celi at Rhea sa mga bibig nila habang isang mahinang tawa ang lumabas sa bibig ni Edward.
"Charlotte! Bakit mo pinakain kay Calypso ang damo?!"
And that's how their friendship started. Halos araw-araw, magka-laro sila dahil nga bakasyon. Naisipan din nina Edward at Rhea na pag-aralin si Calypso bilang pasasalamat sa sayang ibinigay nito sa kanilang Nana Celi.
Mabilis na lumipas ang panahon. Mag-aaral na si Calypso at mag-aaral na rin si Charlotte ngunit sa ibang bansa nga lang.
"Cal! I'll show you something." Saad ni Charlotte habang nakangiti. Naka-pigtails ang kanyang kulot na buhok habang may suot itong belo sa ulo na hiniram pa nila sa Nana Celi nila.
"Ano?" Takhang tanong naman ni Calypso. Naka-bow tie ito na para bang isa siyang groom na ikakasal.
Lumapit si Cal kay Charlotte na kasalukuyang nakaupo sa ilalim ng puno ng narra.
"We should engrave our names here in the narra tree." Saad ni Charlotte at hinimas ang puno.
"Engrave?" Tanong naman ni Calypso. Umikot ang mga mata ni Charlotte at tumayo mula sa pagkaka-upo.
"Ilalagay. Halimbawa, C heart C. Calypso heart Charlotte. Remembrance, di ba?"
"Magandang ideya yon! Sige!"
They spent their whole afternoon engraving their names to the narra tree. Masayang masaya ang mga ito. Na para bang walang makakapawi sa kasiyahan nila kahit sino o kahit ano.
Pero kinabukasan..
"Nana! Pigilan niyo sila!" Humahagulgol na pagsusumamo ni Calypso habang pilit na hinahabol ang umaandar na van palayo.
"Calypso, babalik din sina Charlotte. Ano ka ba. Naku, ito na nga ba ang sinasabi ko. Babalik din sila, apo. Babalik din."
Oo, bumalik-balik sina Charlotte sa loob ng tatlong taon. Nangako pa nga si Charlotte na ganoon ang gagawin nila hanggang sa matapos siya ng elementarya.
But after three years, hindi na sila bumalik. Ang tanging komunikasyon lamang nila ay ang skype. But that's not enough.
"Cal! How's your day?" Nakangiting bati ni Charlotte sa screen.
"Ayos naman! Ikaw?" Nakangiting sagot ni Calypso sa kanya habang tutok na tutok parin sa librong binabasa niya.
"It's great! We had—"
Napatigil si Charlotte nang makita ang dahan-dahang pagbagsak ng mga mata ni Calypso sa screen ng laptop. Napangiti ito ng mapait at hinaplos ang screen.
"I missed you already."
Iyon na ang huli nilang pag-uusap. Naging abala ang dalawa sa kanilang pag-aaral at nagkaroon na sila ng kanya-kanyang mga kaibigan habang tumatagal.
Sabi nila, absence makes the heart grow fonder. Isa daw sa mga matinding rason na mas lalong nagpapatindi ng pagmamahal ng isang tao ay ang kawalan ng presensya ng taong mahal niya.
But in Charlotte and Calypso's case, ang kawalan ng presensya at komunikasyon maging ang libo-libong distansya ay siya na mismong nagpalayo sa kanilang dalawa.
YOU ARE READING
I Will Always Stay In Love This Way
RandomI will always stay in love this way with you. [ teen fiction written by butheyitsmariana ]