May isang babaeng takbo ng takbo sa gitna ng ulan at dilim. Sa kakatakbo nya nakarating na sya sa tambakan ng mga sirang kotse at doon nagtago.
"Lumabas kna jan, wag ka nh magtago!! Mahahanap ka rin namin,, hahaha" sigaw ng isa sa lalaking humahabol sa knya. Sya si Junjun, isa sa tambay at adik sa kanilang lugar.
"Oo nga,, wag kang mag alala magugustuhan mo rin nmn ang gagawin natin ee,, lumabas kna jan" sabi nmn nung isang lalake. Si Kiko, kabarkada ni Junjun.
"Wag na kayong satsat ng satsat jan!! Hanapin nyo na!!" Sigaw nung isa pang lalaki. Sya si Kris ang pinakalider.
Nanginginig na sa takot ang babae, at hindi sinasadyang mahagip nya ang pinto ng kotse. Lumikha ito ng malakas na tunog na nagpaagaw sa pansin ng tatlong lalaki. Natatarantang tumakbo ang babae patungo sa isang sirang bus na nakita nya. Nagtago sya sa ilalim ng isa sa upoan nito. May pumasok na isang lalaki sa bus.
"Jus ko poh, tulongan nyo poh ako" panalangin ng babae.
"Huli ka!!" Laking gulat nung babae ng may humigit sa buhok nya palabas sa tinatagu-an nya.
"Walangya kang babae ka, pinahihirapan mo pa kami!" Sabi ni Kris.
Tinulak ito ni Kris kaya napahiga ito at sinamantala nito ang pagkakataon upang kaubabawan ang babae. Nagpupumiglas ang babae na nasa ilalim ni Kris. Inipon nya ang lahat ng natitira nyang lakas upang itulak ito, napahiga si Kris at tumama ang katawan sa upo-an. Napadaing si Kris sa lakas ng pagkatamana ng likod niya sa upuan. Ginamit ng babae ang pagkakataon upang makatakas. Tumakbo sya sa bintana at dun lumabas.
"At saan ka pupunta??" Sabi ni Junjun na nasa labas ng bus at pilit sya inaabot. Sinipa nya ito sa mukha kaya napa upo ito. Umakyat ang babae sa ibabaw ng bus.
"Wag ka na kasing tumakbo, mapapagod ka lng" sabi ni Kiko na nakaakyat na pala sa taas.
Nakakita ang babae ng kahoy at inimapas ito sa lalaki na nagpahulo sa lalaki. Tumalon ang babae at tumakbo.
"Tulong,, tulong!!" Hinahabol na sya ngayon ng mga lalaki. Halos magkandarapa na sya sa bilis ng pagtakbo niya.
"Kahit magsusumigaw ka jan, walang makakarinig sayo dito!" Sigaw ng isa sa mga lalaki.
Sa sobrang pagod, hindi na makatakbo ng maayos ang babae. hindi napansin ng babae ang isang bato na nakaharang sa daan niya. Natapilok ito at natumba kaya naabutan na sya sa mga lalaki. Hinila ni Kris ang buhok nya habang nakahiga pa sya at dinala sa bus kung saan sya nagtago kanina.
"Parang awa nyo na poh, pakawalan nyo na ako". Umiiyak na pakiusap ng babae.
"Gusto mong pakawalan ka namin huh??" Tumango ang babae sa tanung ni Kris. Hinatak ni Kris ang ulo nya kaya napatingala sya. Inilapit ni Kris ang mukha nito sa kanya at nagsalita.
"Kung ganun, maging mabait ka sa amin, sumonod ka, wag mo na kaming pahirapan pah. Pasayahin mo kami, total lahat naman tayo masasayahan ee."
Hindi! Nagsisinungaling lng sya, alam kong papatayin rin nila ako pagkatapos ng gagawin nila sa akin. Nag isip ng paraan ang babae para makatakas. May nakita syang tubo, malapit sa knya.
" Sige, gagawin ko na ang gusto nyo." Sinabi nya lang ito dahil parte iyon ng plano nya.
"Ayan naman pala ee, pinahirapan mo pa kami." Binitawan na sya ni Kris.
Yun na ang pakakataon nya. Tinulak nya ito at inabot ang tubong nakita nya. Hinampas nya ito sa mukha ni Kris. Lumapit sa kanya ang dalawa pa at hinampas din ito. Tatakbo na sya sana pro nahawakan ni Kris ang paa nya.