Hinila ni Kris ang paa nang babae na nagpatumba dito.
"Tang ina mong babae ka! tignan mo ang ginawa mo sa mukha ko!!" Nagkaroon kasi ito ng sugat dahil sa paghampas nung babae.
Nawala sa katinuan si Kris at nandilim ang paningin, lalo na't high ito ngayon. Sinampal sampal nya ang babae at sinuntok. Wala nang lakas ang babae, hindi na sya nakalaban pa dala ng pagod at sakit sa katawan. Wala na syang ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Hinampas ng lalaki ang ulo nang babae sa sahig na nagpahilo dito.
"Boss tama na muna yan, baka di na natin sya mapakinabangan nyan." Sabi ni Junjun. Ngunit parang wala nang narinig si Kris. Ang gusto nya lang na gawin ngayon ay mapaghigantihan ang babaeng sumugat sa mukha nya. Para na itong sinasapian ng masamang espirito. Naging malikot ang mata nito na tila may hinahanap. Napadako ang mata nito sa isang lubid na nakita nya sa ilalim ng upuan. Kinuha nya ito.
"Boss, anung gagawin nyo??" Tanung ni Kiko. Sa ikalawang pagkakataon, hindi ito sumagot. Lumapit ito sa babae at pinaikot ang lubid sa leeg nito.
"Boss, wag mong gawin yan, mapapatay mo na sya." Lumapit ang dalawang lalaki at inaawat si Kris.
"Wag kayong mangialam!! Lumayo kayo! Makakahanap din naman tayo ng ibang babae!" Sagot ni Kris habang nanlilisik ang mata nito.
Natakot ang dalawa kaya lumayo nalang sila. Pinanood nila kung panu nito ipalibot ang lubid sa leeg ng babae. Dinala ni Kris ang babae sa may pinto, isinabit niya doon ang lubid at ibinitin sa ere. Hinawakan ng babae yung lubid at nagpapasag pasag, ang paa nito ay sumisipa sa ere. Makikita sa mukha nito na nahihirapan nang huminga. Hanggang sa malagutan na nga ito na nakalabas ang dila at dilat na dilat ang mata.
