Naalala mo?

5 0 0
                                    

Naalala mo yung araw na pumunta tayo sa amusement park?

Naalala mo kung anong nangyari nung araw na yun?

Kasi ako tandang tanda ko pa.

July 12, 20**

1st anniversary natin, tumawag ka sabi mo mag kita tayo kasi may sasabihin ka, nag taka pa ako kasi ang alam ko may lakad naman talaga tayo sa araw na yun diba? Pupunta tayo ng amusement park kasi diba hindi pako nakakarating dun.

Nag text ako sayo sabi ko nandito na ko sa gate ng amusement park, nag reply ka na papunta kana kaya inantay kita dun, habang inaantay kita tumitingin lang ako sa mga rides kasi parang ang saya ang sarap sa feeling na sumakay doon.

After ng ilang minuto bigla mo kong tinapik, nan dun kana pala, niyakap kita at sinabing Happy Anniversary babe, pero hindi ka umimik instead sinabi mo na ayaw muna, nagulat ako pero hindi kita pinakinggan, hinila kita papasok sa loob nag bayad ako ng ticket natin, hinila kita kung san ko man gusto sumakay hindi ko bintawan yung kamay mo pero ikaw gustong gusto munang bitawan, pero binaliwala ko lang.

Ang dami na nating nasakyan malapit na din gumabi, inaya kitang kumain muna kasi napagod ako sa lahat ng sinakyan natin at nagugutom na din ako, pero bigla mong hinila yung kamay ko at sumigaw ka "ANO BA! DIBA SABI KO SAYO AYAW KO NA! KANINA PA KITA PINAG BIBIGYAN SA MGA GUSTO MO, KAYA PWEDE AKO NAMAN YUNG PAGBIGYAN MO!"  Hindi ako sumagot instead tinignan lang kita at niyakap, gustong gusto na  pumatak ng luha ko pero pinipigilan ko lang "Babe, pagod ka lang kaya nasasabi mo yan, tara na uwi na tayo"  yan yung sinabi ko sayo pero sinigawan mo ulit ako "HINDI MO BA NARINIG YUNG SINABI KO!? DIBA SABI KO A-Y-O-K-O N-A ANO BA!"  Bigla kang tumalikod at aalis na sana pero niyakap kita ng nakatalikod Anong nangyari? Bakit? Akala ko ba mahal mo ko? Bakit bigla naman? Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero hindi mo mabangit "Mag iingat ka, lagi kang kakain huh! Wag mong pababayaan yung sarili mo, wag ka din masyadong mag papagod, sana maging masaya ka" ang tangi kong nasabi sa kanya, pilit mong tinatangal yung pag kakayakap ko sayo pero naki usap ako kahit isang minuto lang hindi ka sumagot pinabayaan mo ko "59, 60"  banggit ko, kasabay nun ang pag bitaw ko sa yakap ko sayo, tumalikod nako at umalis na pero bago ako umalis sinabi ko sayo na "mahal na mahal kita" at tuluyan nang umalis dun at sa buhay mo.

**

Isang buwan na ang nakakalipas pag tapos nung nangyari nabalitaan ko nag kabalikan na kayo ng ex mo, kaya ka pala nakipag hiwalay, sya parin pala.

Isang araw dumaan kayo sa harap ko, mag kaholding hands at nag tatawanan, nakita ko kung gano ka kasaya sa kanya, buti naman masaya ka, kasi kung hindi ka masaya sobrang mag sisi ako na pinakawalan kita pero tama lang pala ang ginawa ko. Pag katapos ko kayong makita, umalis nako nang tuluyan at hindi na babalik.

Naalala mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon