Chapter 1:nagkakilala

61 3 1
                                    

       Uwian ng mga estudyante.Pangkaraniwan na ang tanawing iyon sa loob ng ladie's room ng Paras Memorial College. Kani-kaniyang puwesto sa harap ng salamin ang mga kolehiyala. May naglalagay ng lipstick, make-up, eyeshadow, at kung anu-ano pang mga kolorete sa mukha. Kailangan nilang maging maganda. Sa labas ay naghihintay sa kanila ang kanilang mga sundo.

       Isa si Erica sa mga nasa loob ng ladie's room ngunit kapansin-pansing wala siyang inilalagay sa mukha. Kuntenento na siya sa panood sa tatlo niyang kaibigan.

     Alam niyang maganda siya, maputi, matangkad, at balingkinitan ang pangangatawan. Kung tutuusin ay pwedeng-pwede siyang sumali sa Beauty Contest. Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit ganun siya kasimpleng mag ayos.

     Masyadong mahigpit sa kanya ang amang si Mang Alfonso. Ayaw nityo ng nagpapahid siya ng kolorete sa mukha. Natatandaan niya na minsang naglagay siya ng lipstick, ipinaalis iyon ni Mang Alfonso ng makita at napagsalitaan pa siya ng hindi maganda.

     Mahigpit din ito sa pakikipag ligawan. Marami ang gustong manligaw sa kanya ngunit laging nakahadlang si Mang Alfonso. Lagi itong naka bantay sa kanya. Ni hindi siya pinapayagang umuwing mag-isa. Madalas nga ay nakakantiyawan siya sa school dahil bukod-tanging siya lamang ang may amang sumusundo doon. Ang karaniwang sumusundo sa kanyang mga kaklase at kaibigang babae ay nobyo o manliligaw.

     Nang tumuntong siya sa edad na disi-otso noong nakaraang buwan, ang akala niya ay babawasan na nito ang kahigpitan, pero nagkamali siya. Lalopa nga yata itong naging mahigpit sa kanya. Kailangan daw nitong gawin ang ganoon upang hindi siya matulad sa kanyang ina. Ang kanyang ina na hindi pa rin niya nakikilala hanggang ngayon.

      Sa umpisa ay naging palaisipan sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang Itay. Naging malinaw lang sa kanya ang lahat nang magkwento ang kanyang Tiya Amanda.

       Ayon sa kapatid ng kanyang Itay, dalawang buwan pa lang siya ng umalis nang walang paalam ang kanyang ina. Ayon sa mga sabi-sabi, ay may sinamahan daw itong ibang lalaki. Mula noon ay hindi na ito nakita ng kanyang ama.

       Tubong Maynila raw ang kanyang ina. Nagkakilala ang dalawa nang magbakasyon sa kanilang probinsya ang kanyang ina. Nagkagustuhan ang mga ito sa unang pagkikita pa lamang at ilang raw lang ang nakalipas ay naging magnobyo na. Nang yayaing pakasal ng kanyang ama ang Inay niya ay tumanggi ito. Hindi pala ito naniniwala sa kasl. Ngunit pumayag naman na magsama sila. Isang relasyong walang commitment ang gusto ng kanang ina.

     Dahil mahal na mahal na kanyang ama ang kanyang ina ay pumayag na lang ito sa ganoong kasunduan at naging masaya naman daw ang mga ito sa umpisa. Nang magdalantao ang kanyang ina ay doon na ito kinakitaan ng malaking pagbabago. Kung ito nga raw ang nasunod ay baka inilaglag ang bata. Nadala lang ito sa pakiusap ng kanyang Itay na ituloy ang pagbubuntis.

       Itınuloy naman ng kanyang ina ang pagbubuntis. Ngunit nang makapanganak ito ay hinintay lamang na bumalik sa dati ang katawan at iniwan na silang mag-ama. Naiwan si Erica sa pag-aaruga ng ama at ng matandang dalaga nitong kapatid, si Amanda.

        Mula noon ay naging mainitin na ang ulomni Mang Alfonso. Konting bagay ay nakasigaw agad ito. Sa ganoong sitwasyon lumaki at nagkaisip si Erica.

       Naiisip tuloy biya na sa kanya iginaganti ng ama ang sakit ng loob at kahihiyang ibinigay dito ng kanyang ina. Kaya ganoon na lamang kung higpitan siya.

       ''Hoy!, Erica, ang sabi ko, halika ka na,'' sabi ni Lei. Saka lamang parang natauhan si Erica. ''kanina pa ba kayo tapos?'' tanong niya sa mga kaibigan. ''oo.hinihintay lang namin na bumalik ka dito sa mundo'' nanunuksong sabi ni Dang. ''mukha yatang in-Love kana ahh.Madalas ka kasing mawala sa sarili,'' ani Cleo. ''puro ka kalokohan.Kanino naman ako maiin-Love, eh alam mo namang walang makapangahas manligaw sa akin,'' sabi ni Erica.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Will i Say i Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon