si maria seguerra ay isang babaeng masasabi mong may itsura.
mala-artista para sa iba, pero wala po syang kaugnayan kay aiza seguerra.
isang araw, si maria ay nakakita ng kuwebang puno ng ginto.
papasok na sana siya sa kuweba ngunit may humarang na isang engkanto.
"ako ang bantay ng kuweba. maaari kang kumuha ng isang tipak ng ginto isang beses sa isang linggo. bilang kapalit, hinihingi kong magdala ka ng isang pirasong bulaklak tuwing pupunta ka rito. iiwanan mo ang bulaklak sa pintuan ng kuweba. kukunin ko ang bulaklak at aamuyin upang ako ay maging masaya, at patuloy kang payagan na kumuha ng ginto. ang aking mga ngiti ang nagbibigay ng ginto sa kuwebang ito. walang ibang makakapasok rito maliban sayo", sabi ng engkanto.
"yun lang pala, gagawin ko yan, pangako", ang sagot ni maria.
noong una ay maayos naman si maria. ngunit nung katagalan, araw-araw na syang kumukuha ng ginto, at hindi na rin sya nagdadala ng bulaklak. malungkot man ang engkanto ay hinayaan nya si maria na ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.
isang araw, wala na makuhang ginto si maria sa loob ng kuweba. nagdala sya ng bulaklak at nagtanong sa engkanto: "bakit wala na akong makuhang ginto sa kuweba?"
"dahil ang mga ngiti ko ang nagbibigay ng ginto sa kuweba. noong di ka na nagdala ng bulaklak, nalungkot ako kaya di na nagkaron ng mga bagong ginto. naubos mo na kung ano yung mga nagawa kong ginto noon," sagot ng engkanto.
"eh eto na nga dinahan na kita ng bulaklak. magdadala pa uli ako pagbalik ko," sambit ni maria.
"ang dala mong bulaklak ay walang halimuyak, inamoy ko at mabantot.. di ako naging masaya kaya di nagkaron ng ginto sa loob ng kuweba," sagot ng engkanto.
"dadalhan nga uli kita sa susunod, pero kelangan mo na gumawa ng ginto ngayon!!!" pasigaw na sagot ni maria.
"patawad pero di ko magagawa ang gusto mo kahit naisin ko, dahil di tunay at busilak ang iyong iniaalay sa akin. kung dadalhan mo ako ng mahalimuyak na bulaklak ngayon, makakagawa ako ng ginto para sayo," maamong sagot ng engkanto.
"hindi!!! sisirain ko ang kuwebang ito pag di mo ako binigyan ng ginto ngayon! magdadala ako ng M1 Abrams na tangke de giyera na binili ko pa galing USA para bombahin ang kuwebang ito!," pagalit na sagot ni maria.
"kung hinawakan mo lang sana ang pader ng kuweba, sana napansin mo na di lang ginto ang andyan sa loob. puro diamonds ang pader nyan sa loob, at gawa sa adamantium ang pader nyan sa labas. alam mo ba kung ano ang adamantium? indestructible material yun. dun gawa ang blades sa kamay ni wolverine. pag sinabing indestructible, hindi nasisira kahit ano pa ang gawin mo, kaya good luck maria," nakangising sagot ng engkanto."
ano ang leksyon na mapupulot sa kuwentong to? mag-ingat sa mga babaeng manloloko. sana mauna yung karma kasi mas masakit pag ako ang gumanti