Penitensya

65 1 0
                                    

Sa bawat suntok na kanyang tinatanggap, sa bawat sugat, pasa, at bali ng buto sa kanyang katawan ay katumbas ng paghingi ng kapatawaran.

Hindi biro ang nangyayari sa akin sa mga oras na ito. Para akong may ketong, nilalayuan kasi baka makahawa. Unti-unti na akong iniiwasan, unti-unting nilalayuan. Sa tuwing tatapak ako sa aking pamantasan na aking pinapasukan, kahit tirik ang araw ay parang nagniniyebe ang panahon dahil sa sobrang lamig. Sementeryo ata ang pinapasukan ko at hindi eskwelahan. Sanay naman ako sa ganitong klaseng lamig. Lamig sa aking balat na tumatagos hanggang sa kaloob-looban ng aking katawan. Sanay naman ako sa ganitong lamig. Nangyayari lang kapag unti-unting nawawala ang aking mga kaibigan. Ni minsan sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nagkaroon ng tunay na kaibigan. Sila ang lumalayo, ako ang naiiwan. Kasalanan ko kung bakit unti-unti silang nawawala. Ayokong ibaba ang sarili ko sa inyo subalit sinasabi ko lang kung ano ang totoo. Kaibigan ko ngayon, iniiwasan na ako bukas. Kasalanan ko nga, huwag kayong magulo. Karapat-dapat na mangyari sa akin. Penitensya ko na itong maituturing...

Marami ang gustong pigilan siya. Marami ang humawak sa mga bisig niya at sinabing "hiwag ka nang pumunta diyan!". Pero marahas niyang kumalas sa mga pumipigil sa kanya, inayos ng konti ang nagusot niyang polo, humarap, dahan-dahang ngumiti at sinabing "Huwag kayong mag-alala. Para sa inyo din naman ito". Bagay na nagpalito sa amin. Ano'ng gagawin niya? Hindi mo maaaninag sa kanya ang takot. Kung paano ang ngiti niya sa araw-araw ay suot-suot niya sa paglayo niya sa amin.

Naging masaya naman ako sa loob ng pamantasan na ito. Siguro naman ay matuturing mo nang nagkasala ka sa iyong sarili kung hindi ka magiging masaya sa tanang buhay mo. Lalo na kung itatanggi mo sa iyong sarili na hindi ka nagkaroon ng konting pagmamahal sa taong gusto mo. Maging masaya ka na kung ang taong kaibigan mo ay naging matalik mong kaibigan sa loob ng mga taong iginugol mo sa loob ng pamantasan o kahit saan pang lugar. Naging masaya naman ako, oo. Alam ko ba ang mga sumunod kong ginawa? Iyan ang hindi ko na alam.

May klase kami nung Marso Abeinte-kwatro. Ganun na ganun pa din ang senaryo: Nilalayuan pa din namin siya. Nagkukumpulan kami sa gitna ng silid habang siya ang nasa isang sulok at may nakapasak pa ang kanyang earphones. Nakayuko pa siya sa kanyang kinauupuan. Maya-maya ay may biglang kumalabog sa bubong ng aming gusali. Inakala naming isang bumagsak lang na bunga ng kung ano mang punong malapit sa amin. Maya-maya pa ay sunod-sunod na yung kalabog ang narinig namin. Kalabog dito, kalabog diyan. Pagkatapos ay isa-isang nagsilabasan ang mga kaeskwela namin. May nag-aamok ng away. Kahit na kami ay nababahala na sa kung ano ang nangyayari ay nagawa pa din naming maki-usyoso sa kung ano ang nangyayari. Naiwan na namin siya na nakayuko pa din. ang sarap-sarap naman ata ng tulog nitong taong ito sa isip-isip ko. Pumunta kami sa student lounge na kung saan may malaking bintana na kung saan ay makikita mo kung ano ang nasa baba ng gusali. Eto ang tumambad sa amin: Isang lalaking may napakalaking pangangatawan ang pilit pinipigilan ng dalawang maskuladong sekyu namin. Sa tantya ko ay nasa edad bente na siya. May katawan ng pang-atleta, pwedeng pang basketball o wrestling, o pareho. Kung siya man ay isang basketball player, ang galing naman niya sa pag-asinta sa bubong ng aming gusali. Sa abot naman ng makakaya ay inaawat ng aming mga sekyu ang lalaking ito pero mayroon ding siyang pambihirang lakas. Madali lang kasi niyang bumitaw sa mga sekyung ito at saka pinagbibigyan ng tig-iisang suntok sa mukha ang mga ito. Napakalakas naman nito, sabi ko. Isang suntok lang ay bagsak na ang gwardiya namin. Maya-maya ay may naanigan akong may kumikislap sa kanyang kamay. Isang bagay na nakapagwala sa konting pagkamangha sa gagong ito. Isa pala siyang madaya. Siguro marami na rin siyang pinilayan dahil sobrang dupang niyang maglaro. Hindi naman niya basta-basta mapapabagsak ang dalawang gwardya ng mabilisan kung hindi niya ito gagamitan ng konting daya; tawagin na lang natin itong Brass Knuckles. Matapos nun ay sumigaw siya ng malakas habang tila nakatingin sa aming kinalalagyan. Agad kaming nagtago, baka kami naman ang pagkadiskitsahan.

PenitensyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon