Bisekleta
I met this guy 9 years ago noong lumipat kami ng bahay at nagkataon ngang sya ang kapit-bahay namin. Dahi nga sa bago pa lamang kami sa lugar ay wala pa akong kaibigan. Sa totoo lang, noong panahong yun ay naiinggit ako sa mga batang naglalaro sa labas. Minsan nga gusto kong sumali sa mga nagte-ten-twenty kaso nahihiya ako kaya ayon, lagi nalang akong nasa loob ng bahay.
Maganda ang lugar na nilipatan naming yun. Kaya nga lang, malayo ang palengke kaya kailangan talaga maglakad nang malayo. Since only child ako, wala talagang ibang mauutusan si mama na mamili minsan kundi ako. Nakakaawa din naman kasi siya dahil sumasakit madalas ang tagiliran nya.
Minsan nga nautusan ako ni mama na mamili. Medyo maaga pa noon kaya di pa masakit sa balat yung sikat ng araw. Sa pagkakatandan ko, thirteen years old lang ako noon kaya kaya mabilis pa rin akong mapagod lalo pa't madalas ay isang bulto ang inuutos sa aking ipamalengke. Maigi na lang at hindi masyadong marami ang iniutos sa akin, pero kahit na ganoon ay mabilis pa rin akong mangalay. Doon ko unang nakausap si Jasper. Alam kong hindi pa nya ako kilala, marahil sa mukha lamang. Oo, si Jasper ang tinutukoy kong kapit-bahay. Pilit kong itinago ang ngiti kong hindi maiwasan pagkatapos nyang sabayan ang aking mabagal na paglakad habang sya nama'y sakay ng kanyang bisekleta.
"Galing kang palengke?" Halatang hirap syang sabayan ang kakuparan ko.
"Ah, oo." Medyo ilang kong sagot.
"Malayo pa yung bahay nyo. Mapapagod ka." Diretso lang ang kanyang tingin sa kalsada habang nagsasalita.
"Tara, angkas ka nalang sa bike ko..." Huminto sya sa pagpadyat ng kanyang bisekleta, kasabay nito ay ang paghinto ko rin sa paghakbang.
"Sige lang... ahh e, ang ibig kong sabihin ay okay lang. Teka, ano, basta, wag na. Ayos lang ako." Hindi ko rin alam kung bakit ako nauutal noon.
"Bilis na. Dyan ka sa likod ko" Wala na akong ibang nagawa pa kundi ang pumayag. Nilagay ko ang aking mga pinamili sa basket sa harapan ng kanyang bisekleta. Maingat akong sumampa at tumayo sa likod ng kanyang bisekleta.
Noong araw na yun ay nakaramdam ako ng tuwa. Marahil ay kahit papaano ay nagkaroon na ako ng interaksyon sa iba. Marahil din ay alam ko nang pwedeng magtuloy sa pagiging magkaibigan ang unang pag-angkas ko sa kanyang bisekleta. At nangyari nga, magmula noon ay lagi na nya akong sinusundo sa bahay para maglaro at magbike. Hindi rin nagtagal ay tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya nang hindi nya alam.
Lalo pang dumami ang kaibigan ko nung ipakilala nya ako sa mga kaibigan nya. Tapos ayun, dahil maganda ako, nagkagusto sakin yung kaibigan nyang si Ronnie. Pero hindi naman o.a si Ronnie. Natural lang sya. Pero sweet sya ah. Lagi nya akong sinusulatan. Tanda ko pa nga nung unang beses nyang magbigay ng sulat sakin ng sulat ay tumakbo agad sya nung tinanggap ko yung sulat. Well, ok lang naman. Mas bata rin naman kasi sya sakin. Minsan nga ate tawag nya sakin. Iisa lang ang malapit na eskwelahan sa lugar kaya expected ko nang Makita sila sa school. Naging masaya ako sa school kahit hindi ko kaklase si Jasper o Ronnie (syempre nga mas bata sakin kaya mag kaiba kami ng grade =]).
Minsan, isang uwian, nakita ako ni Jasper na naglalakad pauwi. Gaya ng dati, niyaya nya akong sumakay sa bike nya. Tatanggi pa ba ako? But this time, di na ako sa likod nya naka angkas kundi sa harap nya. Nakaupo ako ng pa-side-view. Syempre kilig din ako kasi parang yakap narin nya ako kasi hawak nya yung manibela, magulat ka kung hindi.
Araw-araw na akong umaangkas kay Jasper tuwing pupunta ng school at pauwi ng bahay. Sa dalas ng pag-angkas ko ay di maiwasang sumemplang kami. Edi nasugatan ako sa tuhod kaya pa-ika-ika ang lakad ko. Siguro nagui-guilty sya kaya pinasan nya ako sa likod nya then nag punta kami sa gilid ng ilog. Malinis ang ilog samin. Walang ka-germs-germs.. haha. Keme lang. So hinugasan nya yung sugat ko tapos tinapalan nya ng dahon ng bayabas. Mag-iinarte pa ba ako?