Chapter 1: FIRST DAYS FIRST
*Door opens*
"Aval gising na"
"Wait lang 5 minutes. balikan mo nalang ako"
-After 2 hours-
*Clock Alarming* *Bzzzzt* *Bzzzzt*
"Haaaaaaay anong oras na ba" tingin sa orasan
"9:05 na hala late nako" sigaw niya. dali-dali niyang kinuha yung towel niya at pumasok sa CR. wala pang 3 minutes lumabas na siya. Suot ang uniform niya kahit di pa naplantsa at basa pa yung buhok neto.
Agad siyang dumiretso sa kusina at kukunin na sana yung box nung toothpaste sa taas ng cabinet pero di niya to abot kaya kumuha siya ng upuan at agad inakyatan eto. maabot na sana niya yung box pero.....
"ARAAAAAAAY" nahulog siya sa upuan at agad gumawa ng ingay sa bahay nila.
"SINO YAN" nagulat si aval nang nakita niya yung ate niyang may hawak hawak na baseball bat.
"Hoy. aval anong ginagawa mo diyan? bat ganyan suot mo di ka naman siguro excited noh?" natatawang sabi nang ate niya.
"Huh?" muntangang sagot niya sa ate niya habang naka handusay parin sa sahig.
"bat naka uniform ka excited lang teh?"
"Anong pinagsasabi mo diyan ate Z tulungan mo naman akong tumayo oh malelate nako"
Tinawanan lang siya nang ate niya
"ate Z tulungan mo ko. anong oras na"
"Anong oras na?. 9:30 palang aval"
"ANO? 9:30 na" agad siyang tumayo at akmang lalabas na nang bahay nang tumawa ng malakas yung ate niya
"Oo nga 9:30 P.M" enemphasize pa niya yung p.m
"P.M?" agad niyang binuksan yung pinto nang bahay at nakitang madilim pa at maririnig mo yung ingay ng mga kulimlim
Humarap siya sa ate niya at napakamot nalang siya nang ulo.
"Okay lang yan alam ko namang tanga-tanga ka rin minsan. Ilock mo na yang pinto may pasok ka pa bukas. BUKAS ha?"tinawanan lang siya nang ate niya at umakyat na eto.
"Isa nanamang historya ng katangahan to." sabi niya sa sarili "bat ba ang tanga tanga ko. babalik na nga lang ako sa pagtulog"
Umakyat na siya sa kwarto niya at nagpalit ng pantulog. pero di na siya makatulog.
"manunuod na nga lang ako ng K-drama" she turned on her laptop and watched descendants of the sun ep. 12 hanggang sa nakaabot na siya sa ending.
"bat ba sabi nila nakakaiyak. eh hindi naman ako umiyak." di pa siya nakuntento sa apat na episodes kaya nanuod ulit si ng best scenes ng weightlifting hanggang sa makatulog siya ng 4:30 at nakalimutan niyang mag set nung alarm.
(Phone ringing)
nagising siya sa tunog ng phone niya.
*yawn*"anong oras na ba" napatingin siya sa orasan niya "GOSH 8:15 na" tinignan niya muna kung A.M na ba talaga at a.m na nga. hindi na siya naligo dahil naligo na siya kagabi.
dali-dali niyang nilock yung gate at tumakbo papuntang school.
mag-isa nalang siya sa bahay niya dahil nakaalis na si mama at ate niya.
YOU ARE READING
What if's
Teen FictionMaraming WHAT IF'S sa buhay. WHAT IF hindi ko paniniwalaan yung what if's ko WHAT IF walang WHAT IF'S sa mundo WHAT IF maging tayo. WHAT IF...