Read. Vote. Comment! ^_^
~Scyiyiyi
It's been a week since the clinic incident.
I don't know why, pero hindi ko pa siya nakikita since then. It feels so bad, I really can't find the right words to describe this.
Bakit kaya siya hindi nagpaparamdam?
Iniiwasan niya ba ako?
Kung oo, bakit naman kaya?
Ayaw niya na bang makipag-usap sakin?
Na-turn off siguro siya sa ugaling pinakita ko sakanila ng.. ng GIRLFRIEND niya sa clinic.
Nanghihina ako sa mga naiisip ko.
Pero.. hindi rin siya nagtetext kay Jack eh. Hmm, if you know what I mean.
Oh, God! I hate this! I really do! Ayoko talaga ng wala akong alam, as in! Pakiramdam ko, bulag ako.
Andito ako ngayon sa apartment.
Mamayang hapon nalang ako papasok.
Tinamad nanaman ako. Wala eh, medyo nawalan na ako ng pag-asa na baka papasok siya dahil araw-araw naman na akong nagpapaka-sipag kaya siguro naman I deserve a break kahit ngayong umaga lang, diba?
I can't help but wonder, what the hell is wrong with me? Dati naman nagiging masaya parin ako kahit wala siyang text o hindi ko siya nakikita ah.
Pero bakit ngayon? Bakit kahit tumawa ako ng tumawa, deep inside malungkot parin? May kulang parin.
Ini-istalk ko narin ang Facebook niya mula nung Tuesday, nag-online siya ng isang beses, then after nun wala na.
Ilang GMs na ang pinapadaan ko sakanya. Yung iba nga sakanya ko nalang talaga sinisend kahit may nakalagay na "GM", desperada na ako, pero wala talaga!
Ilang araw na rin akong badtrip.. or araw-araw ata?
Wala kasing nage-enlighten sa mood ko, mga kaibigan ko na nga mismo ang nag-suhestiyon sakin na wag na muna akong pumasok ngayon at mamaya nalang dahil kahit sila naiinis na sakin.
Sabi rin ni Chen uumpisahan na namin ang "Operation Pangaagaw" namin kapag nagparamdam na ulit si Jayson.
Nag-beep ang phone ko kaya dali-dali kong kinuha iyon sa round table.
Hawak ko parin ang bowl ng popcorn na kanina ko pa nilalantakan dahil kanina pa rin ako nakatingin sa TV. Oo, nakatingin lang, kasi hindi ko naman maintindihan kung anong nangyayari eh.
BINABASA MO ANG
Akin ka nalang! ONGOING.
HumorREVISED. Tamad na babae. Parating badtrip sa mundo. Bungangera. OA at pala-away. -Yan si Jill. Hanggang sa nakilala niya ang lalaking ito na parati siyang inaapi at binabara. Kapag malungkot siya'y lalo siya nitong pinalulungkot! Eh, paano kung maka...