Random Thought 1

27 1 1
                                    

Walang ikaw, merong ako.
Kailanman, hindi magtatagpo ang ating mga mundo.
Nilikha ka lamang mula sa malikot na imahinasyon ng tao.
Nakikipagsapalaran sa bawat pahina ng libro.

Samantalang ako'y nasa totoong mundo.
Nagmamahal sa iyo kahit ika'y di totoo.
Hinihiling na magkaroon ng milagro.
At baka sakaling mundo nati'y magtagpo.

Ngunit ang katotohanan ay hindi mababago.
Ang makapiling ka ay isa lamang biro
Maaring tayo ay pinagtagpo
Ngunit hindi ibig sabihin na magkakaroon ng tayo hanggang dulo.

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now