Nagising ako dahil sa ringtone na nanggaling mula sa aking phone. Tinignan ko ang orasan at quarter to nine na pala. Madilim na rin sa labas. Fifteen missed calls mula kay Aiken ang bumungad sa aking phone.
Ba't kaya tumatawag ang isang 'to?
Kumalam ang sikmura ko at nakaramdam ako ng gutom. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba, sinuklay ko ang mahaba at kulay brown kong buhok at ipinusod ito.
Pagbaba ko ay bumungad sa'kin sina mommy at Riome. They were eating dinner. Umupo ako sa tabi ni Riome at nagsimula nang magsandok ng kanin.
"Ate, I waited for you a while ago because I thought you'll cook pancit canton for me." He frowned and pouted at me.
"I'm sorry Riome. Pagod kasi si ate eh. I didn't know I was already asleep," sambit ko. Naguguilty tuloy ako. Dapat kasi nilutuan ko muna siya bago ako natulog eh.
"It's okay, ate. At least you made some rest." He smiled while eating his dinner. I smiled too. Mabuti na lang at hindi pinalaki ng spoiled ito. He's just six yet he already has a matured understanding.
"Did you rest well? Pagod ka yata. Hindi na kita ginising dahil ang sarap-sarap ng tulog mo," sabi ni mommy habang hinihimayan ng isda si Riome.
"No, it's okay mom. Nagugutom na rin naman ako." Tumango lang siya at nagsimula nang kumain. Nagkwento si Riome tungkol sa first day of school niya at ganon' din ang ginawa ko. I told them that Aiken and I are in the same school, but not in the same class. Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na ako sa taas to take a quick shower.
Humilata kaagad ako sa higaan pagtapos maligo. Binuksan ko ang cellphone ko at chineck ang messages ko.
Ako:
Aiken, what's with the fifteen missed calls?
Agad namang sumagot si Aiken. Pagkasend na pagkasend ko pa lang.
Aiken:
Sorryyy! I was just bored and checked if you're still awake. I need hot gossips, u know!
Ako:
Nakatulog ako kanina kaya hindi ako nakasagot. Wala akong chika sayo plus, matutulog na rin ako!
Aiken:
Ano ba 'yan! You' re so boring talaga! It's not even 8PM tas matutulog ka na?
Ako:
Whatever, Aiken. Nabitin ako sa tulog ko kanina. I need to get some sleep. I'm really tired.
Gusto ko na rin kasing matulog dahil maaga akong gigising bukas. I don't want to be late.
Her:
Mkay, whatever you say. Goodnighty!
Ibinaba ko na ang phone ko at ipinikit ang aking mga mata.
---------------------------------------------------------
I got your picture, I'm coming with you
Dear Maria, count me in
There's a story at the bottom of--Nagising ako sa alarm clock ng phone ko. Binuksan ko ito at tinignan kung anong oras na. 6:30 AM. I sat on my bed and yawned. Inaantok pa ako. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata and did some arm stretching. Bumangon na ako sa kama ko at inayos ang comforter at pillows. I searched for my towel and put it on top of my right shoulder. Then I went to take a shower.
BINABASA MO ANG
Surrounded by the Past
RomanceBrexton Zild and Soleigh Xyll were childhood friends. They lived joyfully; no problems, misfortunes and difficulties. No problems until that day... They were just kids, but everything became so complicated. They suffered tragic scenes and disastrous...