Prologue

15 2 1
                                    

2048 -Dash- 24

**************

Minsan sa buhay may mga pagsubok na kailangan mong harapin. May mga pagsubok na kailangan mong labanan. At higit sa lahat, may mga pagsubok na kailangan mong solusyunan.

Mahirap ang sitwasyon kapag nagmamahal, pero kung nagmamahal ka ng totoo hindi ka magsasawang ipaglaban siya kahit na hindi sang ayon ang mga tao sa inyong dalawa.

"Love is full of mystery" ika nga. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa future. Parang sa mga oras na 'to masaya ka, hindi natin alam na baka mamaya bigla na lang mawala.

We don't have any idea of what will happen next. But we should go with the flow.

Sometimes, whenever we can't handle the situations anymore, we'll just take a deep breathe and sigh. Sasabihin na lang natin na "Pagsubok lang ito. Hindi ako susuko. Kakayanin ko." Pero hanggang saan nga ba ang kaya mo?

Love ain't complicated. Loving ain't complicated either.

Ang buhay ay parang gulong sabi nga nila. Minsan masaya ka, minsan malungkot ka. Minsan nagwawagi ka, minsan natatalo ka.

Parang sa laro lang din yan. Ihalintulad nalang natin tong story na to sa larong 2048. Minsan natatalo ka kasi hindi mo makuha ang numerong kailangang mabuo dito. (2048). Kailangan mong makuha ang sagot na "2048" sa larong 2048 upang ikaw ay magwagi. Parang sa buhay lang yan, parang puzzle. Kailangan mong ipagcombine ang kada blocks kung saan sila naaayon. Sa love, kailangan mong solusyunan. Kailangan mong ma-solve ang bawat problema. Kailangan mong hanapin kung saan o ano ba ang tama. Kailangan mong ma-achieve yung goal mo. Kailangan mong paganahin ang utak mo, hindi lang ang puso. Kailangan mong maging mapagpasensya. Kailangan mong maging matatag.

At kung ikaw ay natalo, hindi ibig sabihin na wala nang susunod pa. Dahil kung gusto mong makuha ang iyong dapat na makuha, magiging matatag ka sa mga pagdadaanan mo at paulit ulit kang susubok hanggang sa makuha mo na ang hinahanap mo.

At eto na nga. Sabihin na natin na kunwari nakuha mo na ang hinahanap mo. Na ipagpalagay nalang nating nahanap mo na ang taong makapagpapasaya sayo, yung taong bubuo ng buhay mo, yung taong magmamahal sayo ng buo. True love ika nga.

Pero paano kung isa na namang pagsubok ang kahaharapin? Paano kung panibago na namang pagsubok ito na parang sa laro? Kakayanin pa ba? Ano? Lalaban pa? O susuko na?

A LOVE TO LAST?
Or
A LOVE TO LOSE?

YOU JUST HAVE TO CHOOSE BETWEEN "EXIT" AND "CONTINUE"

*************
2048 dash 24©
By:Sandraaaaa22
*************
Beginner palang. Pagpasensyahan. 😂😝💖

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

2048 Dash 24Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon