Late 1

57 3 0
                                    

11:59 PM ^^ Hi Kwin Bb♡

Anne's POV

Maaga akong umuwi dahil may mahalaga daw na sasabihin si Mama. Mamaya may sasabihin siyang nakakatuwa katulad nalang nang 'lilipat na kami sa korea' 'papakasalan ako ni Sehun' o 'Tanggap na niya na labindalawa ang asawa ko', o diba? Pero syempre joke lang yun. Hanggang wattpad lang ang pantasya ko.

Maaga ang uwi ko dahil maaga uwian namin. Kakatapos lang kasi nang periodical at kanina yun. Hay.. Buti pala nag-aral ako kagabi.

"Anne!" napalingon ako. Alangan naman na tumihaya ako diba? Malamang talaga lilingon ako kasi may tumawag ng pangalan ko.

Si Khate kasama si Kiel, pinsan niya.

"Oh. San punta niyo?" tanong ko. Ngayon ko lang kasi sila nakitang dumaan sa gawi na dinadaanan ko. Kumbaga opposite ang dadanan namin papunta sa mga bahay namin.

"Sa bahay niyo." napaatras ako. Teka, saan daw? Sa bahay namin? Ano namang gagawin nila don?

"Gagawin niyo?" tanong ko nalang. Tska kahit pumayag ako, ewan ko lang kay Mama.

"Review. May exam pa tayo bukas diba?" napangiwi nalang ako. Kailangan ba sa bahay? Hmm.

"Di ko kasi alam kung pwede eh." tanging naisagot ko nalang. Kesa naman magsalita ako nang tapos, malay natin pumayag si Mama.

"Sige, kahit wag na lang Anne. Tara Khate. Ingat ka madapa ka sana, tanga pa naman yung kalsada." tska ito tumawa. Tumawa lang ako na pang-sarkastiko pero tumawa lang siya at naglakad na sila palayo.

Hay...

Si Khate ang bestfriend ko. Khate Okizawa, sounds foreigner right? Hahaha. Kasi Japanese yung daddy niya at halata naman yun sa last name palang.

Ang pangalan naman nang kasama niya e Kiel. Kiel Mendez, best buddy ko. Kakulitan ko yun sa room. Matalino rin yun sa Math.

Fourteen years of living. Magkakasing-edad kaming tatlo. Magkakasundo kami sa lahat nang bagay maliban sa pagiging Kpop fan ko at ni Khate.

Kung bakit? Kasi sabi ni Kiel, baka mabawasan lang yung interes namin sa pag-aaral. Wala naman daw kaming napapala sa mga gwapo, magaganda at hot na mga koreanong/nang asawa ko.

Oh--well papel. Dahil sa kada-daldal ko sa inyo di ko napansin na nakarating na ako nang bahay. Oo nga pala, walking distance lang ang bahay namin mula sa Seiko High.

Halata namang doon ako sa Seiko High nag-aaral diba? Oo halatang halata. Kung hindi niyo naman napansin kakasabi ko lang.

"Eomma! Nakauwi na po ako." tska ko ibinaba ang bag ko sa mini sofa sabay hubad nang sapatos at inilagay sa lalagyan.

"Magbihis ka na, Nakahanda na ang hapagkainan." tumango tango ako at nagtungo na sa kwarto namin nang Ate ko.

"Ma! Hindi pa umuuwi si Ate?" sigaw na tanong ko mula sa loob nang kwarto. Wala pa kasi siya eh.

"May group study ata ang Ate mo, baka ma-late nang uwi. Bilisan mo at naghihintay ang pagkain." mabilis ko sinuot ang maluwag na t-shirt ko at short. Lumabas agad ako nang kwarto at in-open ang computer namin.

"Kumain ka muna Anne. Mamaya na yan." tumango tango lang ako bago naglakad palapit nang mesa at umupo.

"Last four subject nalang ang ita-take namin bukas Ma." tumango tango naman si Eomma at pinuri ako na kesyo mana talaga kami ni Ate sa kanila ni Appa.

And yes. Oo. Nae. Tama kayo. Ina-apply ko sa personal na buhay ko ang mga natututunan ko sa buhay nang mga Korean.

Wala eh. Fan talaga ako.

Pagkatapos namin kumain, si Eomma narin ang nagligpit nang pinagkainan namin pero syempre tumulong ako. Lumipas ang dalawang oras at dumating narin si Ate.

Habang ako busy sa pagi-spazz, si Eomma naman nanonood ng TV, at si Eonnie o Ate naman ay kumakain. Syempre asahan mo na yun lalo na kung galing sa school o tungkol sa school stuffs ang usapan, mahilig kumain ang Eonnie ko. Well-- parehas kami syempre.

"Sehuna.. Baekla.. Chanyeollie.. Suho.. Kai.. Kyungsoo.. Kris.. Eyebags.. Lulu.. Lay.. Baozi.. Troll.. " peste, bat ang hawt nang mga koreanong 'to? Lalo lang ako naiinlab sa mga derp nitong nga 'to eh. Hay, labindalawang bakla talaga.

"EXO ka na naman. Puro ka EXO pati wattpad puro may impluwensya nang EXO." napalingon ako kay Eonnie.

"Heh~ Manahimik, kumain ka nalang jan." tska ako nag-spazzz nang muli. Oh-- well! Mahal na mahal ko ang EXO, lahat naman nang fandom ko mahal ko eh. Lalo na si Taeyeon Bb~ Hahaha.

"Asus. Por que gwapo gusto agad?" tanong niya pa habang kinakamay ang ulam namin. Hindi naman siya nandidiri diba? Proud si Eonnie. Filipino talaga siya, kaming pamilya.

"Ito? Sobrang pogi 'noh?" sabay pakita ko ang derp ni Gramps at Bacon. Tiningnan ko lang ang reaksyon ni Eonnie at... nalaglag siya sa kinauupuan niya.

"HAHAHAHAHAHAHA~~" tawa niya pa with matching hawak nang kamay sa tiyan niya. Take note: Hagalpak po ang pagtawa niya.

"Sino yan?" tanong ni Ate nang bumalik da wisyo. Ganon na ba talaga ka-gwapo ang mga asawa ko kaya nagkaepekto kay Eonnie? Phew.

"Itong dalawa asawa ko. Ito.. ito.. ito.. ito lahat yan Asawa ko. Wanna share? pero wag na. Hahaha." sinamaan niya ako nang tingin at kumai na ulit. Grabe, ang takaw nang Eonnie ko.. pero bat ang payatot niya? hmm. Well, sexy~ *insert suho's voice here (growl)*

"Musta Test?" humalumbaba ako sa harapan nang computer at sumagot. "Okay lang naman. Kaya naman." tska ako tumango tango.

"Waw. Matalino, wala nang review review." rinig kong sabi ni Ate. Ang sarcastic niya eh noh? Hindi na ako nagtaka kung kanino ako nagmana.

"He-He-He." sarcastic din na tawa ko. Minsan advantage para sakin ang magkaroon nang Eonnie pero kadalasan disadvantage.

Hmmm.

Too late to say.. SaranghaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon