Chapter 8- pagyayaya ni Torie kay Red

108 3 0
                                    


Red POV:

pagkalabas ko ng cr, umupo ako sa pwesto ko kanina, and jeez umupo si Torie sa tabi ko

"o napano yang kamay mo Red?" tanong niya, tapos hinawakan niya ang kamay ko kung saan ang sugat, biglang nag init ang pisngi ko

"ah wala 'to" sabi ko habang kinuha ang kamay ko sa kanya, and oo masakit talaga

"anong wala ka dyan, halika gamutin natin yan" tapos tumayo siya at hinila ako, ngumiti ng nakakaloko ang mga kasama ko habang si Rick at Dwayne masama ang tingin sa tv, at si Tim seryosong nanunuod ng tv

"ah kuya, gagamutin ko lang si Red saglit ha" tumingin si Tim sa akin at ngumiti ng nakakaloko

"o sige" tapos hinila na ako ni Torie papuntang dining at umupo sa maliit na round table, at umupo sa mga upuang nakapalibot doon

"saglit lang ha kukunin ko lang ang first aid kit" tumango ako

Maya maya dumating na siya, at kinakagat ang lower lip nya, pls. Wag kang ganyan naaakit ako

"ito na, akin na yang kamay mo" sabi nya habang umuupo sa upuan, tapos kinuha ang kamay ko tumingin ako sa kanya habang tintingnan ang sugat ko

Tumingin siya sa akin sa mata tapos ngumiti, ayaw ata akong mabuhay ng babaeng 'to nakakamatay ang ngiti grabe ang ganda!!!

"ano bang nangyari dito? Bakit nagkasugat?" tanong niya

"am sinuntok ko kasi yung pader"
Tumawa siya ng kaunti na parang ngumingiti lang siya, jeez sobrang ganda niya

"ba't mo naman sinuntok ang pader?" sabi niya habang natatawa pa rin

"ewan ko" sabi ko, tapos ngumiti lang siya na parang pinapalabas niya ang dimples niya, pagkatapos niyang lagyan ng betadine ang kamay ko ay ibinalot na niya ng bandage yon

Pagkatapos ngumiti na naman siya tapos hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan, "tapos na h'wag mo nang susuntukin ang pader ha? Halika na" tapos tumayo na siya at naglakad tumayo na rin ako at sinundan siya

"Red pulang pula ka ata" tanong ni Trevor, tss mga baliw

"loko hindi ah" sagot ko

"yes you are" sambit ni Torie tapos hindi na ako nakaimik

Nanunuod lang kami ng movie tapos biglang nagsalita si Tim

"Red, pwede bang iwan muna kita dito sa bahay kasama ni Torie, aalis muna kami sige na pls?" tss nananadya eh

"where are you going kuya?" tanong ni Torie,

"basta sige na salamat Red! Hali na kayo!" sabi ni Tim tapos umalis na

"mga loko talaga"

"Red"

"bakit?"

"gusto mo bang gumala nakakainip kasi sa bahay eh, napanuod ko na lahat ng movies dito" tanong niya, jeez magpapaligoy ligoy pa ba ako

"o sige kung yan ang gusto mo" sabi ko tapos ngumiti naman siya, KILLER SMILE

"thank you, saglit lang ha magbibihis lang ako" sabi niya sabay tayo, tumango naman ako pagkaakyat niya kinuha ko ang unan at itinakip yun sa mukha ko, jeez kinikilig nanaman ako, sa wakas lalabas rin kami...

Pagkababa niya
Wow ang ganda niya....

To be continued....

[a/n: sorry kung medyo natagalan ang pagupdate, thanks sa readers na nagvovote and sa mga silent readers dyan hello, again thanks, love yah guys!]

3 boys inluv to 1 girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon