Zach Rio Del Valle
Madalas kitang makita sa pinag tratrabahuhan kong coffee shop. Halos araw araw nandito ka. Dalawang oras o higit pa kung tumambay ka dito. Nagbabasa ka ng libro habang naka upo sa isang table sa tabi ng glass wall.
Siguro ay nag aaral ka dahil naka uniform ka pa pag pumupunta dito. Minsan nga ay naaabutan ka na ng alas syete ng gabi sa coffee shop. Naisip ko nga minsan kung bakit dito ka nag aaral eh kung pwede naman sa bahay niyo.
Wala ka bang upuan sa bahay niyo? Wala ka bang pwesto doon kung saan pwede mag aral? Hindi ka ba makapag aral sa bahay niyo dahil marami kang kapatid na makukulit?
Ba't parang wala naman yata sa itsura mo 'yung walang mapag aaralan sa bahay? Kung titignan ka eh sa isang napaka gandang school ka nag aaral. Kumpleto ka sa gamit at magaganda pa ito ayon sa nakikita ko. At isa pa ay afford mo naman mag coffee shop para mag aral dito.
"Excuse me..." Narinig ko ang isang boses ng babae sa counter. Siguro ay oorder. Nakayuko ako at nag aayos ng mga tissue at straw sa cabinet sa ilalim nito kaya hindi ko agad siya nakita.
"Yes... wait lang po." Sabi ko dahil ilang ayos nalang ay tapos na ako. Pero nung tatayo na sana ako, ay nauntog yung ulo ko.
Sht.
Tumayo ako at tumalikod muna sa costumer. Leche. Pahiya nanaman ako. Pero bahala na trabaho ko naman to eh.
Humarap ulit ako ng naka ngiti kahit medyo masakit pa yung ulo ko dahil sa pagkauntog.
Narinig ko naman 'yung munting halakhak ng babae habang nakatingin sa akin. Ngunit bakas din sa mata niya ang pag aalala.
Tumigil siya sa pag tawa ng makitang naka harap na ako sa kaniya.
Siya nga ito. 'Yung babaeng higit pa sa tambay kung tumambay dito sa coffee shop. Natulala naman ako saglit.
"Uh okay ka lang?" Sambit niya ng nakangiti at natauhan naman ako.
"Oh yeah okay lang po ma'am." Sagot ko. Ilang saglit lang at bumati na ako sakaniya para kunin ang order niya. "Good Afternoon po pala! May I take your order?"
"Short Macchiato and mmm..." Nag-isip pa siya at mukhang di naman siya makapili. Nanliit pa ang mga mata niya sa likod ng hindi naman makapal na salamin niya habang nakatingin sa menu board. Kaya nag suggest na ako.
"In case di ka po makapili agad, I suggest you to try our Tarragon Chicken Sandwich." Nakangiti kong sabi sa kanya. Sumama ang tingin niya.
Lumipat naman ang tingin niya sa akin na parang kinukumbinsi pa ang sarili niya kung yung sinabi ko ba ang oorderin niya o mamimili pa siya.
"And my bonus pa po'ng fries 'yan kasi isa ka sa mga loyal costumers namin." Sabi ko ulit ng nakangiti.
Sumimangot naman siya kaya agad ko'ng binawi ang ngiti ko. Ayaw ata niya ng fries.
"Pero pwede naman-" Putol na sabi ko.
"No. I'll get those." Tukoy niya sa mga sinabi ko. Kinuha naman niya kaagad 'yung pera sa bag niya.
"That would be 380 pesos ma'am." Sabi ko habang naka tingin sa computer na nasa likod ng counter.
Ibinigay niya 'yung pera ng hindi tumitingin sa akin at sakto naman lahat 'yun kaya hindi ko na siya binigyan ng sukli at dumiretso na siya sa table kung saan siya parati umuupo. Pumunta na naman ako sa likod para gawin 'yung mga inorder niya.
Weird siya. Sa pag kakaalam ko eh hindi mo dapat sinasamaan ng tingin ang mga taong nakapaligid sayo. Bukod sa hindi mo naman sila kilala eh parang nakaka insulto din 'yun. Pero baka ganon lang talaga siya kasi ito 'yung unang beses ko'ng kumuha ng order niya. Hindi kasi ako dito naka assign sa pagkuha ng mga order ngayon lang.