PART 1
☆Mavis' POV☆
As usual, maaga akong dumating nang eskwelahan. Ayoko kasing nagmamadali kasi nagiging makakalimutin ako kapag natataranta. Pagkapasok ko nang classroom nakita ko ang kaklase kong si Phillip na nagbabasa nang libro. Mukhang tutok na tutok siya sa binabasa niya dahil di man lang niya napansin ang pagdating ko.
"Good morning, Phil." Masayang bati ko at inilagay ang shoulder bag sa tabi niya. Seatmates kasi kami. "Mukhang kinukuha mo na ang korona ko bilang early bird huh." Biro ko. Si Phillip ang pinakatahimik at mahiyain sa seksyon namin. Kaya di na ako nagulat kung palagi siyang mag-isa sa isang sulok. At kapag groupings naman kung hindi ko pa siya yayain na maging kasama ko ay solo niyang ginagawa ang activity.
"Good morning." Mahina niyang tugon at bumalik sa binabasa niyang libro.
"GOOD MORNING, BESTIE~"
Napatakip si Phillip nang tainga nang pumasok at sumigaw si Corinne, ang bestfriend ko, may pasayaw-sayaw pa papunta sa upuan niya. Araw-araw palaging good mood ito. Maniwala man kayo o hindi isang beses ko lang nakitang umiyak to. Noong iniwan siya ng ex niya. Maliban dun palagi siyang possitive.
"GOOD MORNING, PHILLIP JAMES ROMERO~"
Biglang isinara ni Phillip ang librong hawak niya at agad na umalis nang kwarto. Mahilig talagang mangulit si Corinne kay Phil kaya palaging napapaalis yung isa dahil di ito sanay sa magugulo.
"Ikaw naman. Ang aga-aga, pinapabadtrip mo yung tao. Di naman nang aano."
"Why me, Bes? Binati ko lang naman ah! ANG BAIT KO KAYA~" sabay hawi nang mahaba niyang buhok. "Anyway, may assignment ka na ba sa math? Nakalimutan kong gumawa eh."
"Nakalimutan mo?" Sa tagal na naming magkaibigan hininga't utot niya alam ko. Charot! Hahahaha. "May nanliligaw sayo no?" Tanong ko.
"H-Hindi ah. Katext lang yun. Saka taken na 'yun."
"Naku! Basta taken na iwasan mo na agad."
"OA nito. Crush lang 'yun. Saka loyal 'yun sa GF niya." Paliwanag niya. Tinaas-baba pa niya ang kilay niya habang nakangiti sakin nang nakakaloko.
Kinuha ko na lamang ang assignment ko na nakaipit sa notebook ko at ibinigay kay Corinne. "Pero seryoso, iwasan mo na siya. Baka mahulog ka pa."
"Ok po."
☆☆☆
Lunch break na at magkasabay na kaming kumakain nang tanghalian ni Cedrick. Boyfriend ko pala. Nag-aaral din siya dito sa Scafford University tulad ko pero nasa kolehiyo na siya. Fine arts first year student. Tatlong taon ang agwat nang edad naming dalawa pero kahit ganun nirerespeto ako ni Ced sa mga desisyon ko. AT ang sweet pa niya.
"Kailan mo ba isasabay ang kaibigan mo sa atin?" Tanong niya bago kinain ang huling kutsara nang kanin sa pinggan niya.
Nakakalungkot man isipin pero di ko pa nasasabi kay Corinne na may boyfriend na ako. Una, kasi alam kong malulungkot siya dahil kala niya mawawalan na akong oras sa kanya. Pangalawa, may pagkapossesive ang kaibigan kong ito. Ayaw na ayaw nun na may mas sa kanya. Pero kahit ganun siya mahal na mahal ko yun from earth to moon and back.
"Alam mo namang 'di ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol satin diba? Saka mas gusto nun sa bahay nila siya kakain." Paliwanag ko.
"Ayokong pilitin ka, Babe. Pero di ko talaga maintindihan kung bakit tinatago mo ako sa kaibigan mo." Naging malungkot ang mukha niya. Iniiwasan na din niya ang pagtingin sa mga mata ko na parang naiinis siya sakin dahil dun. At di ko naman siya masisisi. Haist. Ba't ang hirap nang sitwasyon ko? "Wala naman tayong dapat itago diba?" Dagdag niya.