Chapter 15: Best Friend for Real.

473 24 1
                                    


  Chapter 15 

ALIANNAH SHANE (IYA) CHUA'S POV: 

Umalis ako sa bahay ni Erin pagkatapos namin kumain. Nagkaroon ng awkwardness sa aming dalawa. Tahimik lang kami at di ko na sinubukang magsalita pa. I know Erin is too harsh on her words, masyado siyang direct to the point pero mabait siya. Ayaw niya nga lang ipakita yung kabaitan na yun. 

Bat ba kasi nagtanong pa ako tungkol Kay Kenjie ehh, hayys! Hindi naman kasi ako nagseselos! Nagtatanong lang naman ako bat parang close sila, kasi napansin ko kung paano kunin ni Erin yung iniinom ni Ken ng ganun kadali? Samantalang maarte yun at Hindi nagpapahalo ng laway kahit kanino! 

Ano ba yan Iya! Si Erin pa talaga pinaghinalaan ko ehh noh? Hayy Ewan. 

Dumating ako sa bahay nakita kong nakaupo si mommy, siguro hinihintay ako. Tapos na kaya yung away nila ni daddy? Hayy, Ano bang pakealam ko? Away nila yun. 

"Sweetie, ? Its 10 o'clock ? Hindi uwi ng Babae yan." Halata sa boses niya ang pag-aalala.

 Well, that's mom. Kahit galing giyera, hindi niya ako kinakalimutan. 

"Sorry Mom, Napatagal lang ako sa bahay ng kaibigan ko and traffic din. Sorry po."sabi ko. 

"Okay, sa susunod make a consideration ahh. May pamilya ka dito. Hindi pwede umuwi ng Gabi." Tumango na lang ako. 

Over protective si Mommy. I understand naman, isa lang akong Anak niyan ehh. 

"Sige po mommy, akyat na ako sa taas. ". Pagpapaalam ko. 

"Okay goodnight sweetie, sweet dreams" sabi ni mommy. 

Nag beso muna ako sa kanya at umakyat na. Pumasok na ako sa kwarto ko at dumiretso na ako sa pagkakahiga. 

"Hayy what a day!" Ipipikit ko na sana ang Mata ko ng mag beep ang cp ko. Nagulat ako kung sino ang nagtext. Si Kenjie. Hindi ko pa naman dindelete number niya ehh. 

*Goodnight Ali*. Text niya. 

After 4months ngayon na lang ulit siya nagtext. He use to call me Ali, but every time na maririnig ko ang pangalan na yun nasasaktan ulit ako. Hindi ko na nireplyan. Pinikit ko na talaga ang Mata ko at natulog na ng tuluyan. 

~Kinabukasan~ 

"Good morning Sweetie!" Tumambad sa akin ang isang napakalaking ngiti ni mommy. Panigurado ayos na naman sila.

"Good morning mom! Where's dad?" Napansin Ko kasi wala siya sa lamesa. Lagi kasi kaming kumpleto sa hapag. 

"Pinatawag ng lolo mo you know, for some business reason" sabi niya. 

"Ahh okay." Umupo na ako sa tapat ni mommy, kumuha na rin ako ng kutsara at tinidor. 

"How's school." Tanong niya. 

"Okay lang, may nameet ulit akong friend" 

"Totoo na bayan?" Pagtatanong niya. 

Dati kasi kaibigan ko sila Janelle. I thought they are the best friend ever. But that love ruined our friendship. Alam ni mommy ang lahat. About Kay ken , Kila Janelle, yung pustahan, basta lahat. 

"Yes mom, alam ko totoo na to. Iba siya mom. Promise, pag nameet mo siya, mamangha ka." Sabi ko. 

"How do you say so.?" Pagtatanong niya. 

"Alam mo mom yung apat na playboy na yun diba? Nung nalaman niya yung ginawa sa akin nila kenjie, pinagtripan niya mom! She even change her name nung nameet niya si Andree at Alex. Then tinalo niya si Kenjie sa chess. Kaso kay Lester hindi niya napagtripan kasi siya ang naka alam na niloloko na sila ng isang Babae!" Tawang tawa Kong sabi. 

Player ka? Nice to meet you Im the Coach.Where stories live. Discover now