Huling linggo ng Mayo. Ibig sabihin, nalalapit na naman ang pasukan. Gigising na naman ng maaga, bibilisan ang kilos para hindi mahuli, magkakaroon na naman ng allowance, at makikitang muli ang mga kaibigan at kaklase lalo na ang mga crush.
Isa ako sa mga estudyanteng ayaw pang magpasukan sapagkat nasanay na na laging bakasyon, walang proyekto, takdang aralin, at pagsusulit na ginagawa, at nasanay ng natutulog ng hatinggabi at nagigising ng tanghali.
Ngunit kapag naiisip ko ang aking crush… nais ko na tuloy pumasok para makita sya. Huling taon ko na kasi ito sa sekondarya at hindi man lamang nya ako napapansin kahit na ba lagi akong nagpapacute sa kanya.
Pero mamaya ko na iisipin ang aking crush. Susulitin ko na ang bakasyong meron ako. Kaya pagkapaalam ko kay Mama, dumiretso ako sa mall para magliwaliw at magpalamig na rin.
Pagkapasok ko ng mall ay dumiretso ako sa ikalawang palapag.
“Miss!”
Napalingon ako sa likuran ko. Isang lalaki na kaedad ko lang ata at nakasuot ng itim na t-shirt ang tumatakbo palapit sa akin. Ako ba ang tinatawag nito o assuming lang ako?
Tumigil sya paglapit sa akin at may ibinigay na isang maliit na puting pirasong papel.
Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka.
“Itext mo mamaya, Miss! Sige, paalam!”
Tumakbo na ulit yung lalaki. Nasundan ko na lamang sya ng tingin habang paalis.
Ano naman kaya yun? Nagpapapasok na ba ng baliw ang mall na ito? O ako lang ang nagkamali ng pinasok at mental institution pala ito?
“Miss, mall po ba ito?” tanong ko sa isang babaeng nakasalubong ko.
Tinaasan ako ng kilay nung babae at tiningnan na parang sinasabing: Okay ka lang, Miss? Hello! Mall kaya ito!
Nginitian ko lang yung babae at nagpasintabi saka mabilis na umalis.
Pahiya ako dun, ah!
Nagliwaliw na lamang ako sa mall at umuwi pagkaraan ng ilang oras.
Pagdating sa bahay, naalala ko yung piraso ng papel na ibinigay sa akin ng lalaking mukhang baliw kanina. Kinuha ko ito at tiningnan.
09*********
“Itext mo mamaya, Miss! Sige, paalam!”
Naalala ko yung sinabi nung lalaki kaya kinuha ko yung cellphone ko at tinext nga yung numero.
‘hi!’-text ko
Makalipas ang ilang saglit may nagreply naman.
‘hello. Sno to?’
‘Rian. Kaw?’
‘Jarred. San mo nakuha # ko?’
Hala! Kapangalan pa ng crush ko! HAHAH pero wag ng mangarap Sharian. Napakaimposible naman nyan.
‘Ah… knina meh nagbgay skin ng isng ppel sa mall. itxt ko raw.’
‘tsk. kla ko d itutuloy ng kbrkda ko. snsya na.’
Nagpatuloy naman kami sa pagpapalitan ng mga mensahe. Nalaman ko na pareho kami ng pinapasukang eskwelahan at nasa ikaapat na taon na. Nagtext pa nga sa akin ng ‘Happy Graduation!’ ang layu-layo pa. Excited much? Makagraduate ba naman ako? HAHAH
Simula ng araw na iyon, lagi na kaming nagkakatext nung kapangalan ng crush ko. Iniimagine ko na nga lang minsan na sya nga yun, eh. Pero syempre, loyal ako dun sa original. Hay naku… kapag nalaman ni Mama itong mga iniisip ko, kukurutin nun ang singit ko.