CHAPTER 2:

56 7 0
                                    

By: BenchAngela19 / DarkAngelRaven2017
Editor: HuntressAer

Cavern Rhyn Samaniego's POV

Pababa pa lang ako ng kotse ay rinig ko na kaagad ang ingay sa buong school. Tsk. Nakakairita talaga ang mga tilian ng mga babae. Walang pinipiling tamang lugar basta may gwapo. Hindi ba sila nahihiya sa mga ginagawa nila? Instead of wasting their time on screaming their heart out, why don't they just shut up and go away?

"KYAAAHHH!!! NANDYAN NA SI CAVERN!!!"

"WE LOVE YOU CAVERN!!!

"CAVERN, MARRY ME PLEASE!!!"

"CAVERN CAN I CALL YOU MINE?!!!"

"CAVERN! AKIN KA NA LANG!!!"

"CAVERN, PALAHI! SHARE YOUR BLESSINGS!!!"

I just ignored their stupidness and headed to the Music Room which is located at the 3rd Floor of our Main Building.

Malapit na ako nang mapansin kong nakaawang nang onti ang pinto. Lumapit ako at sumilip sa loob kung may tao. May babae sa stage na tumutugtog ng piano. Maganda sana ang pagkanta niya kaso bakit naman ganun ang choice of song niya? Seriously? A Secret Love Song?

Hindi ko alam kung isa siyang kabit na sabit lang sa isang relasyon--ang mga babae talaga, di makuntento sa isa--o sadyang mahilig lang siya sa malulungkot na kanta.

Lumapit pa ako nang onti at nakikita ko na ang mukha niya kahit medyo malayo siya sa'kin. There are only few lights in the stage focused on her while singing and playing piano. Wait. . . siya yung babaeng nakabunggo sa'kin nung first day at nakita kong may kasampalan kung di ako nagkakamali. Akalain mo nga namang di lang pagsigaw-sigaw ang talento niya.

FLASHBACK. . .

(First Day of School)

Papunta ako ng gymnasium ngayon since first day of school para sa Welcoming of Students. I am wearing my headphones right now, as usual,  but the music's so irritating to my ears. Tsk. Bad trip. Pinakialaman na naman siguro nila yung playlist ko. Kinuha ko na lang sa bulsa ko ang phone saka pumili ng ibang kantang patutugtugin.

*Boogsh!*

Bigla akong nabangga ng isang babae at ang masaklap pa ay napapatong siya sakin dahilan para maibato ko sa ere ang phone ko. Dahil nakapatong sakin ang babaeng 'to, hindi ko tuloy ito makukuha mula sa pagkakahagis.

Agad kong ipinagpalit ang posisyon namin at dali-daling inabot ang phone ko na sana ay sasaluhin ng sahig. Thanks God at hindi siya tuluyang bumagsak!

Napayuko ako't nagpakawala ng hininga nang mapansin ko ang posisyon ko. Hindi pa ako nakakikilos nang unahan na ako ng isang pag-flash ng liwanag na sa tingin ko'y nagmula sa camera. Hindi ko na lang yun pinansin at umalis agad ako sa pwesto kong 'di kaaya-aya. Pinukulan ko muna na siya ng masamang tingin bago naglakad palayo.

Kung 'di niya ako bingga, eh 'di sana hindi mangyayari sa amin ang nakakadiring pwesto na iyon. Tsk.

Hindi na ako tumuloy sa gymnasium dahil nawalan na ako ng gana. Pare-parehas lang naman ang nangyayari kada first day of school kaya pumunta na lang ako ng garden at umupo sa isa sa mga bench do'n at umidlip.

Maya-maya pa ay nagising ako dahil sa isang nagsasalita mula sa speaker ng school. I think thirt minutes rin akong naka-idlip.

"Eniguma haipasufiruta e yōkoso. Enjoy your stay!"

Enigma Highschool: Ippai No ConundrumWhere stories live. Discover now