Prologue

6 1 0
                                    

Third Person's PoV

Naglalakad ng walang kabuhay-buhay si Sharlemagne sa hallway ng East Philippine University. Napapatingin sa kanya lahat ng estudyante. But this time, hindi dahil sa humahanga sila sa kagandahan nito, nagagandahan sa sout nitong damit, o dahil sa nakalimutan niyang mag kilay. Ngunit dahil sa galit , pandidiri at pagkamuhi. "I can't imagine following that bitch" isa lang iyan sa libo-libong panglalait na naririnig niya. Gustohin niya man itong labanan at layuan ngunit wala syang sapat na lakas para dito.

Sharlemagne's PoV

Napahinto ako dahil sa isang bagay na tumama sa dibdib ko. Nabasag ito at dahan-dahang dumudulas ang katas nito sa sout kung damit hanggang sa tinatapakan kong sahig ng paaralang pinamunoan, pinaganda at pinaangat ko at ng pamilya ko. I never imagine myself in this kind of situation.
Isa, dalawa, tatlo... Hindi ko na mabilang. Magmula nung unang pagbato, hindi ko na mabilang ang mga sumunod pang pagtapon. Punong-puno ang katawan ko ng mga bagay na malagkit, mabaho, matigas, madumi at kung anu-ano pa. Mula ulo hanggang paa, hindi ko na maipinta ang imaheng ilang taon kong pinangalagaan. Nang dahil sa lang isang maling salita nag bago ang lahat.

Napaluhod ako sa sobrang sakit. Hindi dahil sa mga binabato nila o sa mga salitang masasakit, kundi dahil sa realisasyon na ang pangalang iniingat-ingatan ko, pangalang pinakamamahal ko ay sa isang iglap nawawala lang.

Patuloy ang pagbato nila sa akin nang biglang nahagip ng mga mata ko ang lalaking pinakamamahal, pinakaiingatan, at ang lalaking nakapag pa bago sa akin. Nakatitig sya sa akin pero di ko ma wari kung ano ang sinisigaw ng kanyang nga mata, kung nagagalit ba sya dahil sa ginagawa ng nga taong ito sa akin o nagagalit sya sa akin. I raised my hand towards him. Nanghihingi nang tulong, nang biglang nilapitan sya ng mga DATI kong kaibigan at sabay-sabay silang umalis at lumayo sa lugar na kinaroroonan ko.

Tumunog ang bell, lahat ng tao sa paligid ay nag si alisan, naiwan akong naka tunganga sa kisame ng paaralang dati kong pinamumunoan. In just a snap a time nawala ang lahat.

"MA'AM MANE! Maam anong nangyari sa'yo." tumingon ako sa kaliwa at nakita ang paparating kong driver, I felt relieve, wala na akong ibang maramdaman namamanhid na pati ang katawan ko. And everything turns black.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth Or Dare (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon