Sierri's POV
"Hoy lalake ! Disoras na ng gabi ano pang ginagawa mo dito ?"
Eh pano ba naman gabing gabi na nandito pa sa labas ng bahay namin si Nathan at prenteng nakasandal sa kotse nya .
Edi sya na may kotse ."Sierrina naman~ Wala man lang Good Evening ?" Nathan
"Oo nga si ate naman " Sierra
"Isa ka pa , gagatungan mo pa" baling ko naman sa kapatid ko.
"Ano pa ba kasing ginagawa mo dito Nate ? Gabing gabi na oh , kung wala ka pang balak matulog , magpatulog ka naman . Maaga pa kaya ang pasok natin bukas saka baka may makakita sayo dito kaya shupii ! Shoo ! Uwi !"
"Dami mo namang sinabi Sierrina~ ginawa mo pa kong aso . Halika sama ka muna sakin ."
Lumapit sya at saka ako hinila palabas ng bahay ."Uy Nate ano ba ? Gusto ko ng matulog !" Maktol ko sa kanya habang nagpupumiglas kaso sadyang malakas sya at wala akong nagawa.
"Sierra tulong naman dito ! Huy ! Kinikidnap na ang ate mo , nakuha mo pang mangisay dyan !" sigaw ko sa kanya
"Emeged . Hihihi . Wala . Wala akong nakita . Wala akong kasama . Ako lang mag isa dito . So goodnight neighborhood !!" Sierra
Saka nya sinara ang pintoAargh ! Lagot ka sakin Sierra pag uwi ko !
Di ko namalayan na naipasok na pala ako ni Nate sa kotse nya .
"At ikaw namang bata ka ! San ba tayo pupunta ?"
"Wag ka ng magwala dyan Sierrina , may pupuntahan lang tayo eh , gusto ko kasi ng kasama please ??" Nate
Naku ayan na naman ang puppy eyes nya . Wag kang bibigay Sierri , wag na wag kang ..
"Fine"
Talo na naman ako .
Maya maya ay tumigil kami sa isang open field .
Puro puno at damuhan . Malawak at maaliwalas , kitang kita ang mga bitiun at ang liwanag ng bwan ."Tara"
Saka sya lumabas ng kotse at pinagbuksan ako .
In fairness kahit may pagka childish alam nya pa rin ang salitang "Gentleman""Ano bang ginagawa natin dito ?" tanong ko sa kanya saka umupo sa damuhan
"Wala lang" Nathan
"Huh ?"
"Dito ko nagpupunta pag gusto kong magrealx at mapag isa" Nathan
"Eh bakit mo ko sinama dito kung gusto mo pala mapag isa ?"
"Ay oo nga no ? Hahaha"
Minsan talaga ang sarap nyang batukanIsang mahabang katahimikan .
Napatingin nalang ako sa kanya ng tumingala sya . Nang makita nya ang bwan at bituin parang automatic na syang napangiti . At yun ang naging dahilan para mapangiti rin ako .
Ang ganda ng ngiti nya at nasisinagan pa sya ng bwan dahilan para mas lalong gumanda ang ngiti at gumwapo ang lalaking nasa harap ko ngayon .*thump thump thump*
Napahawak ako sa dibdib ko . Ano bang problema ng puso ko at bigla nalang bumibilis ? Tsk . Mukang antok na talaga ako ah .
Napatingin akong muli sa kanya ng bigla syang magsalita.
"Di ko din alam kung bakit kita sinama dito Sierrina . Basta ang alam ko lang gusto kong ipakita sayo ang lugar na to at makasama kitang tingnan sila " sabay turo nya sa langit .
Kanina pa ko nandito pero di ko pa tinitingnan ang langit , kung di nya pa ituturo mukang di ko na aabalahin pa ang sarili ko na tingnan .
Tumingala ako at nakita ang bagay na tinutukoy ni Nate na gusto nyang tingnan kasama ako .
Mga bulalakaw . Ang ganda .
BINABASA MO ANG
The Famous Childish Teen Actor
Fiksi RemajaNaiinis sya sa mga artista .. But it suddenly change when he meets The Famous Childish Teen Actor