MY SEVEN DAYS LOVE STORY

0 0 0
                                    

MY SEVEN DAYS LOVE STORY

O! Mga utak niyo! Di yan basta basta seven days lang nagmahalan kami!
Oo seven days lang pero hindi katulad ng iba na trip trip lang pustahan lang ganun, hindi ganun ang love story ko. Dahil sa unang araw pa lang ng pagkikita namin feeling ko siya na mga beshie! Iba kasi e, alam mo yung feeling na sa dinami dami ng tao sa classroom siya agad una kong nakita, yung slow motion yung bawat sandali tapos siya nakatingin sa 'kin, yung tilong ako talaga yung hinihintay niya na tabihan siya, tapos yung mga puso namin pareho yung tibok, yung tipong nagmahalan kami sa past life namin ( o lakas maka k-drama!) pero ganun e, ganun yung naramdaman ko sa unang araw ng pagkikita namin.

Hindi ako malandi okay, besides ngayon ko lang din to naramdaman at dahil dun feeling ko siya ang icing sa cupcake ko mga beshie! Basta yun siya na si mr. Right, siya na yung una at huling lalaking mamahalin ko yung tipong kasalan na agad, (tapos jugjugan na! Opps nagkakasala ako hahahah) basta yun, feeling ko siya na talaga.

At dahil feeling ko siya na, tumabi ako sa kanya.O! ipapaalala ko lang hindi ako malandi okay! Pero kasi pag naramdaman niyo yung nararamdaman ko? Ay naku talaga! Ang bilis ng tibok ng puso ko mga beshie! Pero di ko ipapahalata syempre gusto ng mga lalaki yung medyo pa-Mari Calara, mahinhin. Ayan, hawi-hawi ng buhok na parang super star model, yung bawat dulo ng daliri pumipilantik , kapag nag sasalita malumanay mga ganyan(ang hirap kay gawin mga beshie!)

"Hi. I'm James Mandrigal."
...
...
...
...
...
...
...
...
Wahhhhh mga beshie! Makapanlaglag panty! Ang gwapo ng boses parang patay ang cool! Shet! "Hi. I'm James Madrigal". Beshie ano sasabihin ko takte ang bilis ng tibok na puso ko!!!!! Ano na!!!!???
Wait dapat medyo kunyari hindi malandi, okay Hannah ikaw si Maria Clara version 2.0.

"Hello, I'm Maria Clara version 2.0"
...
...
...
...
...
...
...
...
Hutaena 10 times mga beshie!!!!!! Ano? Sino nagsabing sabihin ko yun ano na? Nakakahiya, uuwi na ko ayoko na talaga! Hindi na,susuko na ko kahit di na siya yung forever ko, gusto ko ng umuwi peksman!!!!!

"Huh? Hahahahahha nakakatawa ka pala Ms. Hannah."

Ms.Hannah? Alam niya pangalan ko? Pano nangyari yun? Bakit? Ayoko na talaga!

"Huh? Pa...pano mo nalaman yung pangalan ko?" Woohh shet, okay kalmablang Hannah ikaw si Letseng Maria Clara version 2.0

"Syempre naman Ms. Hannah you're the top 5 of the most famous campus crush here in our campus. Hahahaa"

Shet, oo nga pala. Kung di ba naman kasi kampon ni Joaquin yung mga mga kaibigan ko e. Ipost ba naman sa page yung pictures kong pang model ng magazine ng company namin letse talaga sila kaya ayon, instang famous, andami agad nagpadala ng mga love letters and everything.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Seven Days Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon