Prolouge

3 2 2
                                    

Natatawa nalang ako dahil sa mga sinasabi ng aking mama na baka may magustuhan daw akong lalaki sa bago kong eskuwelahan. Sus, gusto? Pass po muna ako diyan. Wala muna ako sa love life dahil alam kong masasaktan din ako pagdating sa mga susunod na kabanata ng aming pag-iibigan. Kaya nga 'di ako naniniwala sa salitang Forever dahil sa pag-ibig na 'yan.

Nang nakarating na kami ni mama sa bago kong school na Elite Academy eh nag-paalam na ako sa kanya at nakipag-beso pa, medyo natagalan kami sa beso dahil nga required dito ang mag-boarding at medyo malayo-layo kasi itong Elite Academy compare to the other schools na malalapit lang, maybe 1 year kaming 'di magkikita ni mama tsaka ni kuya, *pout* 'di ko na makikita muli ang mukha nila. Inayos ko na ang aking bag at ang aking maleta at nag-umpisa nang mag-lakad papasok dito sa Elite Academy. Nacu-curious kasi ako dito sa paaralang ito. Marami nga kasing nag-aaral dito sa kung anong rason. Pare-pareho naman kasing paaralan eh. Napag-desisyunan ko ring mag-aral dito upang alamin ang mga sikreto nila dito hindi lamang mag-aral kundi mag-imbestiga din. Para ba akong imbestigador.

Bago pa man daw ako pumasok sa classroom ko ay kailangan ko muna daw ang pumunta sa office ng headmistress. Curious again, bakit headmistress? Puwede naman kasing principal. Ang arte naman nitong paaralang ito. Aaminin ko, maganda nga dito. Malawak, malinis, at isa pa very peaceful. Kaya pala. Alam ko na, ok puwede na akong mag-transfer ulit ng paaralan kasi nalaman ko na ang sikreto nila eh kung bakit ang daming mga estudyante ang nag-aaral dito. Haha joke lang 'di naman kasi 'yun ang exact reason eh.

Pagdating ko sa room ng headmistress namin ay kumatok muna ako. Isang beses lang ako kumatok at bumukas na ang pinto nito. Pumasok naman ako dito at nakita ko siya. Matangkad nga siya,maputi, long dark black hair, at may gold earings. Panay white ang nandito, kakaunti lamang ang iba pang kulay ang nandito.  Umupo na siya sa kanyang swivel chair habang ako, nakatayo lang. Wala kasing upuan dito for visitors.

"Good morning to you, Ms. Jimenez. I am Mrs. Lilia White. The headmistress of this school." Ah, kaya pala madaming white na color dito kasi white 'yung epilyedo niya. Nice one!

"What makes you come here? Curious ka ba about sa school na ito? Tell me." Pa'no niya nalaman na curious ako. Magaling 'ata ito.

"Y....Yes. I am Curious about this school." I'm stating the fact. I'm curious right?

"So,bakit ka nga ba curious?" Sabay ngisi. Nakakatakot. Nakakatakot siya kapag naka-ngisi siya. 😵

"Ah.....k-kasi.. wala lang po." Yishh. Curious nga lang. Ayaw ko namang sabihin kung ano ang dahilan eh. Baka kung ano pa ang masabi niya, baka ipa-salvage pa ako kung sasabihin kong mag-iimbestiga ako dito, alamin ang sikreto nila at paano sila nakakarami ng estudyante every school year.

"So gusto mo bang mag-move on? Well, this is the perfect school for you to move on!" Ngumisi pa ito habang pinaglalaruan niya 'yung golden pen niya.

"Well, hindi naman po sa ganoon. Hindi po sa move on dahil hindi naman ako nag-mahal o meron mang nangyaring masama sa akin kasi naniniwala naman ako sa salitang "Walang Forever" " #walang4ever!

"Yes. Forever doesn't exist. And also eternal life here on earth doesn't exist." Ngumisi sabay flip ng hair.

"Puwede na po ba akong umalis? Baka malelate na po ako eh. First day ko pa naman dito mag-aral." Pamamaalam ko sa kanya.

"Oh sure! Just better watch out yourself okay?"

"Okay." I responded.

Elite Academy, here I am! Waiting for the challenges that this school could bring to me! I'm ready to face many obstacles, I'm ready to face mysteries to unfold them! Elite Academy, Here I come!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cryptic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon