"Matagal ko ng gustong malaman mo
Matagal ko ng itinatago-tago 'to"
Valentines. Na assign sa opening number ng concert-for-a-cause ng school ang banda nila. Base guitar lang siya pero para sakin rockstar na rockstar ang dating niya. Huling beses ko siyang marinig kumanata nag ka team-up kami sa performance namin noong August.
"Nahihiyang magsalita at umuurog akin dila."
Pero di naman siya talaga kumanta nuon. Sinasabayan niya lang ng himig yung pagtugtog niyang gitara para di ako mawala sa tyempo. Pero kahit na. Natutuwa ako kasi inaya niya akong maging partner niya. 18 kaming babae at inaalok siya ng mga boys na maki banda na lang sa kanila pero ako ang pinili niya .
"Pwede bang bukas na
Ipagpaliban muna natin 'to"
Lumapit siya saken tapos tinanung niya ako kung may kagrupo na ako sa performance. Sabi ko wala. Wala naman talaga. Balak ko sanang mag solo dahil tingin ko mag kakagulo lang kami pag maramihan.
"Dahil kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo"
Nataranta ako. Di ko alam kung papayag ako o hindi. Ipinaliwanag ko na hindi ako maalam sumabay sa gitara at saka wala kaming oras para mag practise. Di naman niya dala yung gitara niya nung umagang iyon.
"Mahal kita pero di mo lang alam
Mahal kita pero di mo lang ramdam"
Sa huli, nag perform kami ng magkasama. Nanginginig ang matinis kong boses at hirap akong makapa kung nasan na ang tinutugto ng gitara niya. Halatang halatang kinakabahan ako. Pero di dahil sa maraming nakatitig samen
"Mahal kita kahit di mo na ako tinitignan
Mahal kita pero di mo lang alam"
Iniisip ko yung palagi kong pagnanakaw ng sulyap sa kanya. At madalas, nahuhuli niya ako. Hinayaan ko yung sarili ko na mag assume na may pagtingin din siya saken. Pero ni minsan di ako umamin. Pinipilit kong wag ipahalata.
"Matagal ko ng gustong sabihin to
Matagal ko ng gusyong aminin sayo"
Kinata ko ng buong puso ang korning korning "Buko" ni Jireh Lim. Hinihiling ko na sana para samin yung kantang iyon. Kahit hindi. Kahit imposible.
"Sandali, eto na at sasabihin ko na nga
Ngayon na, mamaya o baka pwedeng bukas na
Dahil kumukuha lang ng tyempo
Upang sabihin sa iyo"
Matapos nun madalas ko na siyang nakikitang nakangiti. Di na rin siya na lelate sa kalse. Maaga pa nga siyang pumasok kesa sakin. Isang araw sa sobrang aga naming pumasok, kami lang dalawa ang nasa classroom.
"Mahal kita pero di mo lang alam
Mahal pero di mo lang ramdam"
Lumapit siya sakin tapos nag sorry. Nakatigin siya sakin, hindi ko alam ang isasagot. Nag tatatambling ang puso ko. "Para san?" Kung daw dala niya yung gitara niya di sana nag karoon kami ng chance na makapag praktis.
"Mahal kita pero di mo na ako tinitingnan
Mahal kita pero di mo lang alam"
Ayos lang un. Ngumiti ako tapos nag katinginan kami. Sabi ko di lang talaga ako maalam sumabay sa gitara kaya ganun. Tapos ngumiti din siya sa sakin. "Sige. Pero sa susunod" sheyt! May sususnod pa? Sasabog puso ko, baka ikamatay ko yan. Kalma effect.
BINABASA MO ANG
Love Songs
Short StoryPagbibigay buhay sa mga love songs na madalas nating naririnig sa radyo! Magiging compilation po ito ng mga short stories hango sa mga love songs na nanama, nagpapaiyak, nagpapakilig, at nagpapaalala ng kung anu-anong memories sa inyong lahat. FEATU...