M.U Zone

63 1 0
                                    

Nakilala ko si lennon nung highschool pa ko. 4th year sya.3rd year ako. Nga pala. Ako si Bella. Pinakilala sya ng kaibigan ko sakin. Tropa niya,ka-brad sa isang sikat na frat sa school namen. Yun lang yung araw na nagkausap kami. Saglit na saglit lang,makikita ko man sya sa school grounds di naman kami nagbabatian. Ewan. Para sakin nuon,isa lang syang kakilala. Un lang un. 

Lumipas ang taon,di ko na sya nakikita sa school,ah oo nga pala,graduating na sya last year so that means grumaduate na sya,isang taon na din pala ang lumipas. Ilang buwan nalang din,at ako naman na ang ggraduate sa eskwelahang ito. Isang araw habang nagreresearch ng project sa net, may nag p.m sa fb ko. Ting! Huh?Sino naman kaya yun? Binasa ko ng dahan-dahan. Le-nnon. Lennon?! Teka,sya ba talaga to? Sabi pa-accept naman daw ng friend request nya. Tinignan ko yung profile nya,at sya ngang tunay! Saka ko klinick yung add friend button.

Sa chat box. Oi,musta?na-add na kita. Ting! Thanks.eto mabuti naman. Ikaw ba? Type naman ako ng sagot. Ayos lang din naman. Ting! Penge naman ako number mo. Eto pala number ko,text mo ko ah. 09162358462. Sa isip ko,ibibigay ko ba? Pero ayun binigay ko na din. Lumipas ang buong maghapon. Tit tit tit tit. My nagtext. Unknown number. 'Kakaload ko lang musta? Akala ko nakalimutan mo na ko eh.-lennon

Pagkatapos ng ilang araw na pagttxt inaya niya ko makipagkita. Sa isang sikat na mall sa norte. Walang pasok kaya nakapunta ako. Tit tit tit tit.

'asan kana?'text niya

text ko'dito nako,asan kana ba?puntahan kita.'

'dito ko toy kingdom. Sa gundam section' text nia.

'ok,papunta na ko.' text ko

At naglakad na papunta kung asan sya. Pagpasok ko ng stall at sa section ng mga gundam toys,my nakita kong isang matangkad na guy. Mga 5'8 siguro nakatalikod busyng busy sa pgtingin sa mga laruan. 'LENNON!' sabay tusok ng daliri ko sa tagiliran niya.

'Uy!' sabay baba ng ng box ng gundam figure sa rack neto. Wala naman nagbago sa kanya,ganun pa din,mejo payat pa din pero tumangkad pa ata sya ng ilang inches mula nung huli ko syang nakita. 'Tumangkad kapa lalo ah.' sabi ko habang inaabot ko yung tuktok ng ulo niya. 'Hindi naman. Tara,kain muna tayo. San mo gusto?' palabas ng stall ng mga laruan. Sumunod naman ako. 'kahit san,di pa naman ako gutom e.' sagot ko.

Lennon: Kahit fries lang. 

Habang pababa ng escalator. 

Bella: okay sige.. 

at sinudan ko sya papunta sa isang fastfood chain, humanap xa ng isang malapit na table at tinuro yun sakin. 

Lennon: Dun nalang tayo umupo. 
Bella: O sige, upo na ko ah.. 

Habang naiwan xang nakapila sa may counter para umorder.. Umupo ako sa silya at chineck ko yung phone ko kung may nagtext, 1 message received nakasulat sa screen ng phone ko, binasa ko, text ni lennon, nung kasama ko? 

Okay lang ba sayo sarsi na drinks? 

Sa isip isip ko.. tinext pa pwede namang itanong nalang ng harapan. Sabay tingin sa kanya sa counter. Naghihintay sya ng sagot ko. sabay send ng message ko sa kanya. tinignan nya yung phone niya. 

Kahit ano boss :) 

Pagkaorder nya nilapag nya yung tray sa table at umupo sa silya malapit sa pader, pinatong nya yung paa nya dun sa isang katabing upuan at sumandal sa pader. 

bella: kaylangan talaga nakapatong pa yung paa sa silya? 
Lennon: wala namang nagsasabing bawal ah? 

Kung sa bagay may point sya dun,saka anu naman kung dun sya mas komportable. 
habang kumakain ng fries kwentuhan lang kami.. 

Bella: may tattoo ka pala? 
Lennon: meron, dito sa dibdib, sa tagiliran(right side) at sa likod malapit sa balikat. Etong sa dibdib eto yung recently lang ginawa di pa mga tapos to eh.. 
bella: masakit ba magpatattoo? 
Lennon: oo naman, teka papakita ko sayo yung picture nung tinatattoo-an ako. 

Kinuha nya yung phone nya at pinakita nya yung mga picture. siguro nagkwentuhan kami ng 1 1/2hr. Tungkol sa work niya, sa tattoo nya at sa mga kakaiba nya pang hilig.

M.U ZoneWhere stories live. Discover now