Chapter 3:

7 0 0
                                    

Araw ngconcert sabay kami ni Nikki nagpunta sa venue. Nagtext si Lennon sabi susunod nalang daw sya. 

Nikki: Cool! Daming tao, dami ding mga booths ng henna and tattoo artists! Tignan mo dun Bella, may dreadlocks booth pa oh! Tara paganun tayo! 

Excited na turo ni Nikki sa mga booths sa venue. Ako palinga linga,may hinihintay at hinahanap. 

Nikki: Sayang, di natin makakasama si Sam nu? Busy busyhan kasi eh haha.. Ui! Ano ba? Kanina pa ko salita ng salita dito di mo naman ako pinakikinggan. Sino ba yung hinahanap mo jan? 

Sabay yakap sa braso ko. Nang may dumating na isang guest na band at naglakad sa harapan namin, hinatak ako ni Nikki papalapit sa kanila para magpa picture. Habang nakakagulo yung ibang fans at nakuha na ni Nikki yung autograph niya umiwas na kami sa madaming tao. Mejo madilim na, at malapit ng magsimula yung tugtugan. Wala pa din sya. 

Bella: Asan ka na ba Lennon? 

Bulong ko sa sarili ko sabay silip kung nagtext na sya sa phone ko. 

Nikki: Hey! 

Tinapik niya ko. Napatingin ako sa kanya. 

Nikki: Di ba si Lennon yun? Sino yung kasama nya? Kapatid nya? 

Mejo malayo pa sila kaya di ko masyado maaninag yung mukha ng kasama nya, pero sigurado ako di nya kapatid yun. Kasi puro lalaki silang magkakapatid at babae yung kasama nya. Kumaway sa kinatatayuan namin si Lennon at lumapit sila samin ni Nikki. Balingkinitan yung katawan, mestisa, kulay burgundy yung buhok, at may ilang ilang tattoo sa mga daliri neto. May isa rin syang mejo malaking tattoo sa braso na death angel. 

Lennon: Brad, Nikki, si Cyrille. Cyrille, si Nikki at yung Brad ko si Bella. 

Cyrille; Hi, kamusta kayo? Buti nakapunta kayo,daan kayo mamaya sa booth namin ah. 

Nikki: Hello, Cy-rille.. 

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Parang wala akong naiintindihan sa sinasabi nila. Nakikita ko lang yung buka ng bibig nila, yung ngiti sa mga labi habang nagkakatinginan sila pero wala talaga kong marinig. 

Lennon: Ui Brad! Okay ka lang? 

Bella: Uh.. Oo. 

Lennon: Brad sya yung sinasabi ko sayong papakilala kong tattoo artist sayo, Brad sya yung gagawa nung tattoo ko dito sa dibdib yung dalawang rose sa gilid nung tattoo ko sa gitna. 

Bella: Ahh.. Hi. 

Ngumiti lang si Cyrille sakin. 

Cyrille: Lennon, tara nga dito. 

Lumapit sya dun, inayos ni Cyrille yung buhok nya. 

Cyrille: Let's go? 

Lennon: Sige, Brad, samahan ko muna sya dun ah kita kits nalang maya. 

Paalam nya sabay kaway at lumakad na sila palayo samin ni Nikki. 

Nikki: Bye! Ingat kayo! 

Sabay lingon sakin. 

Nikki: Bells, okay ka lang?

Bella: Oo naman, bakit hindi. 

At hinila ko sya para maglakad lakad sa venue. Ewan ko kung naniwala sya sa sinabi ko na okay lang ako, pero alam ko sa sarili ko na hindi ko master ang pagtatago ng totoo kong nararamdaman. 

Nikki: Oh my gosh! 

Napatigil sya sa harap ng isang booth na madaming tao. Isang tattoo booth. Kahit ako napatanga nung makita ko yung nakalagay sa tarpaulin na nakasabit sa harap ng booth. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

M.U ZoneWhere stories live. Discover now