Author's Note: Here's my second story guys. Sana magustuhan niyo pooo. Kyaaah =)) One shot lang din po ito =))
ENJOY READING! =))
"I'm sorry Lemuel, hindi pa ako handang magpakasal sa'yo. Siguro after 3 years hintayin mo nalang ang pagbabalik ko, gusto ko pa ng karagdagang progress sa career ko, marami pa akong gustong gawin. And tatanggapin ko na pala yung offer sa london 3 years lang naman yon sana mahintay mo ako"
Yan ang mga salitang binitawan ni Venice na hanggang sa ngayon ay nakatatak sa isipan ko. 6 years, oo 6 years kaming steady and successful sa aming mga career dito sa pilipinas. Isa akong engineer at ang aking girlfriend naman ay nakatapos ng medisina. Eventhough she's workaholic and sometimes she had no time for me still inunawa ko iyon sa kadahilanang sobrang mahal ko siya. She really loves her work and she is also intelligent, she knows her priorities at hindi maktid ang utak ko para hindi ko maintindihan iyon.
Pero one time, dumating na sa puntong sobra na siya. Ang katwiran ko, pwede naman niyang ipagpatuloy yung trabaho niya at ang pag unlad nyang ninanais kapag mag asawa na kami. Maraming pwedeng mangyari sa 3 taon at ayaw kong umasa, ayaw kong maghintay sa wala. Kaya ako na mismo ang nakipaghiwalay.
Kung magkikita man kami ulit pagkatapos ng 3 taon at malaya pa siya ganoon din ako baka sakaling kami nga. Alam niya kung gaano ko siya kamahal pero this time I can't take her conditions anymore. Maluwag niyang tinanggap ang pakikipaghiwalay ko sa kanya, para bang nabunutan pa ito ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag. Hindi ko alam kung hadlang ba ako sa mga pangarap niya o hindi, basta ang alam ko ngayon ay malaya na ulit ako pero nasasaktan.
HOURS HAD PASSED
Napunta ako sa isang nightclub. Gusto kong magpakalasing, gusto ko sa paggising ko ay makalimutan ko na lahat ng sakit at ganun na rin si Venice kahit na sana panandalian lang.
"beer po sir? May babae po kami bago pa at bata." wika ng babaeng floor manager na tila nag aalok ng paninda
"Sige bigyan mo ko ng apat, magkano ba ang labas ng babae niyo?" tanong ko sakanya
"3000 po sir. Sainyo na po lahat." sagot naman nung babae
Alam niya ang patakaran sa club, pwede niyang ilabas ang babae magdamag sa halagang iyon.
"Sige pero gusto ko muna siyang makita at makausap papuntahin mo siya ngayon dito." utos ko sa babae
Kaagad naglakad palayo ang babae at pagbalik nito ay may kasama na itong isa pang babae.
Nagulat ako sa aking nakitang babae. Isang magandang babae. Mukhang bata pa ito na nasa 18 anyos pa lamang sa tantya ko, matangkad siya at balingkinitan, morena ang kutis niya at matangos ang ilong, mayroon pa nga itong kahawig na artista ngunit hindi ko mawari kung sino. Mukhang hindi siya nagtatrabaho sa club, kiming kimi itong umupo sa aking harapan.
"Anong gusto mong inumin? beer ba?" tanong ko sa babae
"juice nalang ho sir" sagot naman nito sa akin
"Wag mo na akong tawaging sir, nakakatanda naman! Haha. Oh by the way I'm Lemuel Sy. Ikaw anong pangalan mo?"
Sa wakas at napangiti ang babae at lumitaw ang tunay nitong ganda at ang kanyang mga mata na tila nangungusap.
"Chelsea po sir, uh I mean Lemuel pala"
"You know what Chelsea hindi mo bagay ang ganitong trabaho, you're new here right?"
"Oo Lemuel tama ka. Wala na kasi akong choice dahil gipit na gipit na kami kaya heto ako kumakapit nalang sa patalim. Wala na akong mga magulang at hindi ako nakatapos kahit highschool man lang. Meron akong kapatid pero malayo siya sa akin at matagal na kaming hindi nagkikita at may sakit siya." wika ng dalaga
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU
RomanceAno nga ba para sa'yo ang salitang "I LOVE YOU" Yun bang tipong biro nalang? Tipong hindi na seryosohan? Yun bang parang "wala lang trip ko lang sabihan ka niyan" Hindi dapat ganon. Sa istoryang ito naging malaking parte ang pagsasabi ng "I LOVE Y...