Chapter 1

12 1 0
                                    

"Lumabas ka kung nasaan kaman! Ibigay mo samin ang bata!" Sigaw nang lalaking nakaitim na humahabol sa lalakeng may hawak na bata.

Tumalon sya sa punong kanyang tinutungtungan ng mahagilap sya ng tingin ng isa sa mga kasamahan ng lalaking naka itim. Tumakbo sya papunta sa gitna ng gubat kung saan matatagpuan ang nag iisang puno ng molave ngunit naharangan sya ng tauhan nung lalake.

Hinagis nya ang daggers pero walang kahirap hirap nya itong iniwasan.ang iba ay nasalo nya at hinagis sakanila pabalik. Lima ang nataman at pito pa ang natitira . Ang isa sa pitong lalake ay umatake sa kanya ng suntok ngunit nasapo nya ang kamay nito.

Gamit ang isang kamay pinilipit nya ito patalikod.at saka pinaapoy ang kamay. Hangang sa sunod sunod na silang umatake. Ang batang kanyang hawak ay walang kamuang muang sa mga nangyayare nanatili lng itong tahimik na tila ba alam ang nangyayare sa paligid nya.

Nang napa tumba nya na ang lahat ay tsaka nya tinungo ang puno ng molave. Itinapat ang kanyang kamay sa gitnang bahagi ng puno at may ibinigkas. Bumukas ang portal papunta sa bayan ng mga imortal.lumingon sya pabalik at nakitang tumatakbo ang kanyang kalaban habang palinga-linga sa paligid. Mula doon ay hindi na sya makikita nang kahit na sino.

Tinignan nya ang batang natutulog sa kanyang bisig.

"Mula ngayon ikaw na si---"

*kring!*
*kring!*
*kring!*

Naalimpungatan ako ng gising dahil sa pesteng cellphone nato.tinignan ko ang caller at ang boss ko nga pala sa trabaho. Tss dadakdakan nanaman ako neto.

" hey wazz--"

"Late kananaman?!! Asan kana kelangan kita dito ASAP! Maraming customer dito. Bilisan mo at sayang ang perang kikitain!!"

*toot!-*toot!*-*toot*

Bastos na matandang to di manlang ako pinatapos sa pag sasalita. Pinatayan pako! Hustisya naman! Laging late ako umuwi dahil ako pa ang pinag lilinis nya sa resto nya. Kaya lagi akong puyat!!

Misan nalalate din ako sa school dahil sa kung ano anong pinapa utos nya minsan pinag bebenta nya ko sa malayong lugar kaya lagi akong late kung umuwe. Nag aaral pako kaya nmn mahirap para sakin pag sabayin ang trabaho at pag aaral.

Sa umaga papasok ako. pag uwe matutulog saglit tapos papasok nanaman sa trabaho. Minsan nga naisip ko tumigil na kaya ako sa pag aaral. Tapos mag tratrabaho muna ko para makapag ipon muna tas balik uli sa pag aaral.

Wala na kasi akong magulang. Lumaki ako sa ampunan. walang gustong kumupkop sakin dahil ang wierd, wierd ko daw. Ewan ko sila ata ang wierd. Normal nmn ako eh. diko din alam kung anong apilido ko. Diko kilala magulang ko. Wala nmn akong kamag anak kaya maaga akong namulat sa katotohanang sarili ko lang ang makakatulong ko sa hirap.

Hays! Ang dami kong daldal! Ako nga pala si Rianne Tiara Amber pinangalan ako ng mga madreng kinupkop ako. tinanong ko kung bakit mahaba ang pangalan ko. Ang sagot nila ay para daw kahit wla akong apilido hindi daw mahahalata dahil Amber nadaw ang aking apilyedo.

Eightine taong gulang nako. Ngayon ay bumukod nako nakatira ko sa isang maliit na appartment dito sa San pedro. Habang naliligo naalala ko ang pangyayari kanina sa aking panaginip. Inalala ko ang mukha nung lalaking may hawak na bata ngunit diko ito maaninag.blur lang ang mukha nya pati na ang bata.

Bat kaya lumabas sa panaginip ko yun? Pero infairnes ang galing nya makipag laban huh. Idol ko na sya. Edi wow

*****

Pag pasok ko sa trabaho dumiretsyo agad ako sa locker ko para mailagay itong bag ko na may lamang damit at iilang notes.

Sa tuwing wala kasing customer ay gumagawa ako ng assignment ng palihim dahil pag nahuli ako ni boss kim ay yari ako. Kung hindi nya binabalibag ang gamit ko ay pinupunit nya ang bawat pahina nito. Wala akong magawa dahil baka patalsikin ako. San nako pupulutin kung wala na kong trabaho? Wala ng pang bayad sa renta, wala nang pambili ng mga gamit sa eskwela. Hindi ko problema ang tuition fee dahil scholar naman ako. Kaya bawas gastos.

Nagulat nalang ako ng biglang hinampas ni ma'am kim ang counter kung saan ako nakaupo mabilis kong itinago ang aking notebook sa paanan ko para di nya makita pero huli na ko.

Nahablot nya ito at inihampas sa mukha ko. Huta! Ang sakit nun ah! For sure nag karoon nako ng blush on sa pisngi ko. Yung nga lang sa kabilang pisngi lang meron. Pero sana wag na sa kabila kasi ang sakit sakit na!

"Walang hiya ka!! Pag katapos kitang tangapin dito yan pa ang igaganti mo?! "

"Po? Bakit ho ano po bang ginawa ko? Sorry po di na mauulit kailangan ko na po kasi itong ipasa las---"

"Wlang hiya! Mag nanakaw ka! Ibalik mo ang ninakaw mong 50,000! Kala mo diko malalaman?! Ibalik mo ang perang ninakaw mo!! Kundi ipapa pulis kita!"

"Huh? Saglit lang ho wala akong ninanakaw! Hindi po ako ganun! Maam wala po akong ninakaw! Baka nag kakamali lng po kayo hindi ko po magagawa yun!"- giit ko

"Hindi?! Huh?! Kung hindi ikaw sino?! Ikaw lng ang nag iisang kahera dito! Ikaw ang nag hahawak ng pera! Bayaran mo ang ninakaw mo kung ayaw mong ipapulis kita!" Mariing sigaw nya.

Naiiyak ako dahil sa paninisi nya sakin. Kahit kailan diko naisipang mag nakaw. Kahit gipit na gipit na ako di ko magagawa yun!

"Maam huhu maawa ho kayo sakin diko po magagawa yun!"

Pero hindi sya nakinig sakin may dinaial sya sa cp nya at alam kung mga pulis iyon. Kahit alam ko sa sarili ko na di ako ang nag nakaw nun dali dali akong nag punta sa locker at kihuha ang gamit ko.

Naririnig ko na ang sirena ng pulis. Sigurado akong nasa labas na sila kaya nmn dumaan ako sa likod kung saan wla kang makikitang bahay. Kung meron man ay mangilan ngilan lang. Narinig ko ang sirena kaya naman alam kong sinusundan nila ako. Lumiko ako sa daan na hindi mag kakasya ang kotse. Bag dating ko sa dulo ay nanduon ang sasakyan at nakaharang sa daraanan. Bumaba ang pulis at tinutukan ako. Lumingon ako sa aking pinangalingan at medyo malayo layo ito mula dito.

No choice ako kaya tinakbo ko ito pabalik nakasunod sila sakin kaya nmn mas binilisan ko pa ang takbo ko. Lumiko lang ako ng lumiko kung saan saan. Dito ay mapapansin mo talagang wala ng nakatira dahil puro puno na ang nandirito at mga patay na dahon. Lumingon ako sa likod at hinahabol parin nila ako.

Lumingon ako sa harap pero wala na akong matatag buhan. Luminga ako sa paligid pero wala na talagang malalabasan. Nag panic ako ng maaninag ko ang pulis papalapit na ito dito pero nagulat nalang ako ng may humablot sakin at hinila ako paitaas sa ere sabay talon pababa. Titili palang ako ng bigla nyang takpan ako bunganga ko at bumulong.

"Shh! Wag kang maingay kung ayaw mong mahanap ka nila." Sambit ng lalaki.

"Mmmmm!!!!"

Binitiwan nya nmn ako. Humarap ako sa kanya pero wala ng tao sa likod ko. Lumingon ako sa harap kung nasan nandun ang pader na namamagitan samin.

Salamat sa knya kung sino man sya. Dahil sa kanya nakatakas ako sa mga pulis. Tumakbo ako habang palinga linga sa paligid. Puro matataas na puno lang ang aking nakikita at tuyong dahon sa nag kalat sa sahig.

Nang mapansin na nakalayo nako sa kanila ay inayos ko ang damit ko. At nag simula uling mag lakad.

o_o

Patay ang layo ko na. Diko alam kung nasaan ako. Paano nako makaka uwi nito? Arggh!!! Putek!!

Nararamdaman ko na ang lamig ng simoy ng hanging tumatama sa mukha ko. Kinuha ko ang cardigan ko sa bag at sinuot ito. Pati narin ang sumbrero kong nakatago sa bag.

Alam kung wierd dahil hapon na pero naka sumbrero pako. Para narin di ako mapansin kung may maka salubong akong pulis na nag hahanap sakin.

Binilisan ko pa ang lakad hangang sa diko na talaga alam ang dinadaanan ko. pa onti na ng paonti ang punong nadaraanan ko. Pati ang huni nang mga ibon.

Hangang sa wala na talagang puno akong nadaraanan. Naging familiar sakin ang lugar na dinadaanan ko. Para bang lagi akong nandito noong past life ko. Ang wierd

Hangang sa natag puan ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng gubat kung saan wala nang ibang puno maliban sa puno ng molave. Nag iisa itong nakatayo sa gitna ng gubat. Walang kang ibang makikita kundi ito.

Huta ang daming nangyari sakin ngayong araw nato. Una pinag bintangan ako.sunod pina pulis ako. Sunod may lalaking humila sakin at niligtas ako sa mga humahabol saking pulis.

And now im standing out of nowhere...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon