Steph's POV
"Ate! Ate! Gising na sabi ni nanay!" Ugh! Ano ba yun? Ang aga aga pa eh.
Tiningnan ko kung sino yung tumatalon sa kama ko.
Si leanne pala. Kapatid ko.
"Maaga pa! Gusto ko pa matulog" saad ko.
Sabay takip ulit ng unan sa mukha.Maaga pa naman talaga eh. Tss. Tiningnan ko yung orasan.....
Wait, whaaaaaaatttt?!!!!
"Oh diba ate? 7:30 na! Bumangon ka na't mag almusal" sabay takbo palabas ng kwarto.
Tumayo agad ako at naligo. Ginawa ko na yung mga routines ko tuwing umaga.
----
Pagkatapos magbihis ay bumaba na ko sa kainan para kumain.
Si leanne at nanay ay nakaupo na. Mukhang inaantay ata ako.
"Good morning nay." Sabay upo. At nagsandok na ng makakain.
"Oh stephanie first day na first day late ka. Nako ka talagang bata ka" sabi ni nanay habang umiiling.
Di nalang ako sumagot at binilisan ko nalang ang pagkain.
"O nga pala steph may naipon na kong pampasalon mo 1500 ok na ba yun?" Muntikan ko ng ibuga yung iniinom ko. Wait??? Whaaaaaaattttt?
"A-ano p-po n-n-nay?"
"Ang sabi ko may pampasalon ka na. Ayoko kasing forever nerd ka tingnan mo yang suot mo oh. Ang manang mo manamit tapos buhaghag pa yang buhok mo" saad nya.
Matagal ko na kasing gustong ayusin ang sarili ko pero wala akong pera kaya no choice ako.
Pero ngayong nandyan na ang pera may pampaayos na ko sa sarili ko!
"Sige po nay salamat. Sa susunod na araw ko nalang po gagastusin yan. Alis na po ako!" Sabay takbo papalabas ng bahay.
Ano kayang mangyayari ngayon sakin? Lalo na't nerd ako?
Sana naman ay mababait ang mga kaklase ko. Public naman pag aaralan ko eh di naman private. Kaya sigurado akong mababait ang mga studyante dun.
"Tricycleee!" Tawag ko sa drayber. At agad namang pumunta sakin at sumakay na ako.
"Saan ka ineng?" Tanong nya.
"Sa Horacio High School lang po"
----
Dali dali akong bumaba sa tricycle.
Sana talaga walang mambully sakin dito.
Habang dumadaan ako sa hallway ay may kanya kanya silang mundo. At hindi nila ako pinapansin.
Mas mabuti na rin to kesa naman mabully pa ko.
Agad kong hinanap ang room number ko sa mga nakapaskil sa pader.
Grabe!! Napakadaming tao. Buti nalang magaling ako sumiksik hihi. Maliit naman ako eh.
*lakad
*lakad
*lakad
*booggssshhhh*"Araaaayyy! Ouch!" Grabe! Ang sakit ng pwet ko! Bwisit na lalak----
"Miss okay ka lang? Sorry ha? Nagmamadali kasi ako eh. Sorry talaga!" Tumingala ako para makita yung mukha nung nakabunggo sakin.
Hang gwapoooo! Puchaaaa may gantong nilalang pala dito sa public school. Homaygad.
"A-a-ahh e-eh o-ok lang sige w-wala namang masakit eh hehe sige" ano bayan! Bakit ba ko naiilang?! Psh.
"Ano bang room number mo?" Tanong nya. Waaahhhhh shet!
"Room 401 kuya" sabay ngiti.
----
Israel's POV
Wowwww ngayon lang ako nakakita ng nerd na maganda.
Kulang nalang sakanya mag ayos eh.
"Room 401 kuya" tapos ngumiti sya.
Nakakainlove yung ngiti nya!
Wait anong sinabi ko?! Erase erase! Di ko sinabi yun!
Ibig sabihin mag ka kaklase kame?
Good. Hehehe. :>
"Magka kaklase pala tayo eh! Lika, sabay na tayo!" Sabay hila sa kamay nya at tumakbo.
Bakit ko nga ba hinawakan kamay nya? Eh di pa nga kami close?
Ahh ehh syempre late na kame! Kaya ko hinawakan kamay nya! Oo yun,yun!