Dear charo… Charing! Ako nga pala si Maryl Innah S. Montinola. Nagaaral ako sa Angelo Private High school. Noong First year ko sa school na iyon, nakatagpo ako ng maraming kaibigan at maraming kakilala. Syempre, hindi lahat kaclose ko. Ngunit pagdating ko ng 2nd year high school, halos nauubos ang mga na ituring kong kaibigan ng dahil sa hindi malamang dahilan, nasubukang naging mag-isa at malungkot ng sobra. Grabe ko kasi sila pinahalagahan eh… Hanggang sa sinubukan kong sumama sa mga dati kong hindi “kaclose” at nakipagkaibigan. Naging masaya ako sa kanila. Sobrang bait nila, hindi nila ako iniiwan kaya ko sila naituring na isang totoong kaibigan. Ang dalawa sa kanila ay si Carminel Rodina Seguin at si Anntonette Coldobi. Ang bestfriend naman nila ay si Bell Samantha Monalissa R. Vitol, kilala sa pangalang SM. Natural, kaibigan ng isa kaibigan na ng lahat, kaya ko naging kaibigan si SM. Naging super close kami, hanggang sa nagsabihan na ng secrets. May boyfriend si SM, at ang pangalan nito ay JM. Dahil sa kachismosahang taglay, tinanong ko kung paano sila nagkakilala… at heto ang storya nila.
Habang nasa bahay si SM..
SM: Hayyy!! Pasukan nanaman.. Masaya lang dahil may bagong gamit.. ano kayang gagawin ko sa school? Matutulog? Hmmm….
Mamamia ni SM: Pumasok ka na nga! Dali na.
SM: oo eto na.. aalis na ko sige bye! Ayy! Baon ko pala muna?
Mamamia ni SM: O! eto na.. talagang hindi ako makakatakas sa baon mo no..
SM: natural. Sige bye na. (kumiss sa mother sabay alis)
Nasa School na si SM at nagsimula na ang flag ceremony…May isang lalaking Taga- section 2 ang nakatitig kay SM. Sobrang titig. Si SM naman ay walang pakielam. Sabi niya kasi sanay na siya dahil maganda daw siya, maraming nagkakagusto, at higit sa lahat sobrang galit siya sa mga lalaki.. kumbaga, napakaman hater niya. Hanggang sa may natanggap siyang message sa cellphone niya noong gabi.
*Sa text
JM: Hi! Ako si JM, nakuha ko nga pala yung number mo kay Sunnie. Kamusta ka?
SM: (Kuripot kunyari) Hindi sakin to. Hindi ko to cellphone. Sa tita ko to kaya wag ka na mag text.
Lumipas ang mga araw.. laging nasa 7 Twelve si JM. Tambayan kasi yon ng mga estudyante pagkatapos sa school. Alam niyo ba kung bakit laging andoon si JM? Inaabangan nya kasi si SM. Una palang niyang nakita si SM sa Flag ceremony, na love at first sight na siya. Para bang kapag napasakanya na hinding hindi na niya ito papakawalan. Palagi niya siyang tinitingnan, iniisip at parang naoobsessed na. Lumipas ang ilang linggo, sinubukan na niya siyang kausapin.
JM: hi! Ako yung nagtext sayo.. Kamusta ka?
SM: Eto ok lang.
JM: Ako nga pala si Jeryl Miggy Bautisto
SM: ok, ako si Bell Samantha Monalissa R. Vitol.
JM: hehe.. pwede bang makipagkaibigan sayo?
SM: pwede naman.. wala namang nagbabawal eh.
Hanggang sa tumagal, naging close friends sila at nahulog ang loob ni SM kay JM. Mabait kasi si JM, matipuno at may itsura kaya naman ang bruha nainlove. Si JM ang naging dahilan kung bakit nawala ang pagkaman hater ni SM. May gusto na si SM kay JM, at lalo nang may gusto si JM kay SM, Ok na diba?! Naging sila na. Lalo pa nila pinagyabong ang kanilang samahan. Kaso may problema… ayaw ng mamamia at papapia ni SM na magkaboyfriend siya. Kaya naman pinilit ng mamamia niya na makipagbreak siya kay JM. Sinubukan nga ito ni SM ngunit hindi nila ito kaya. Halos hindi nakakain ng maayos si JM at laging tulala. Samantalang si SM parang nawalan ng enerhiya pagkatapos noon. Kaya naman nakipagbalikan si SM. Sinubukan nila itong itago at ipinagpatuloy ang pagmamahalan nila. Hindi naman nakapagtataka sa dalawang nagmamahalan ang ipakita ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Kahit sino ay hindi mapipigilan ang tunay na nararamdaman ng isang tao. Bakasyon na.. syempre masaya. Minsan minsan pumupunta kami sa bahay nila SM, syempre barkada eh. Kadalasan sinasama naming si Judie. Klasmeyt namin sya na malapit sa bahay ni SM. Sinasama namin si JM para magkasama sila, pero ito ay patago. Natapos na ang ilang mga araw.. Unti- unting napapasok sa utak ni SM na sabihin ang totoo sa mamamia niya. Hanggang sa dumating ang araw na sinabi na nya. Sa katunayan, boto naman ang mamamia ni SM kay JM, ayaw lang nila itong magkaroon ng boyfriend, syempre magulang kasi eh. Dumating ang sandaling kinausap ng lolalia, mamamia, papapia, brotherdia, at atetia ni SM si JM. As in buong pamilya.. Sobrang kaba naman ni JM. Para bang nasa hot seat, pero kinaya niya ito para lang kay SM. Natural kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat masunod lamang siya. Titiisin mo ang lahat at lalong hindi mo sya bibitawan, lalo na’t pareho kayong nagmamahalan. Ika nga “I won’t give up on us”…. Nakakatuwa sila no? Antagal narin ng pinagsamahan nila… nagsimula lang sa unang pagtibok ng puso hanggang sa naging sila na..
To be continued..