Author's Note

3 0 0
                                    


Please be reminded of the following:

THIS IS A WORK OF FICTION. Ang kuwentong ito ay isang likha lamang. Hindi ito totoo sa buhay. Ang pangalan, lugar, gusali, at mga pangyayari ay piksyonal, maliban na lamang kung ito'y nabanggit. Ito ay likha lamang ng mapaglarong isipan ng may-akda.

THERE ARE SPELLING ANG GRAMMAR ERRORS HERE. Ang kuwentong ito ay ginawa ko lamang sa phone at hindi pa ito edited. Maraming pagkakamali sa pagbaybay, at marahil ay may ilan ding pagkakamali sa gramatika. Tao din ako, nagkakamali. Sabi nga nila, walang perpekto sa mundong ito. Pero sa bawat isang pagkakamali ko, humihingi ako ng paumanhin, lalo na sa mga OC* na nagbabasa nito.

USE OF PROFANITY IS NOT PRESENT IN THE STORY. Sa mga kababayan ko dito sa wattpad, paumanhin kung gusto niyo ng malalang pagmumura, ngunit wala kayong matatagpuan na mura dito. Kahit 'yung mga naka-asterisk, wala. Maliban na lamang kung kayo ay magbabasa sa comment section. Isa po akong Kristiyano, at ayokong sumuway sa utos ng Diyos.

A LOT OF QUESTIONS WILL FORM IN YOUR MIND. Maraming tanong po ang dadayo sa inyong isipan. Sigurado po iyan, dahil isa ako sa mga taong mahilig sa pa-mysterious epek. Pero lahat po ng iyan ay masasagot sa katapusan ng kuwento. Pag natapos niyo na po ang kuwento ngunit may katanungan pa rin, paki-tweet nalang at i-mention niyo ako. My twitter is @/EdogawaITN_WP.

PLAGIARISM IS A CRIME. Pakitandaan po niyan. Wala po akong pinahintulutan na anumang pagkakasalin ng kuwentong ito. Hindi ko rin po ito nilagay sa ibang website. Kung may nalaman po kayo na parehong kuwento, pakisabi nalang po sa akin. Maraming salamat.

Ngayon, marahil ay may magsasabi na pareho ito sa kuwentong chuchu eklabush, pero hindi po. 'Wag kayo mag-judge. Pinaghirapan ko ang plot nito. Ang inspiration ng kuwentong ito at ang motivation ko ay si Min Yoongi. Any Suga Stan Mutuals?

Iyan lang po at maraming salamat.

*OC - Obssesive-Compulsive

Enchanted University: School Of ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon