I saw him again today. Ilang araw ko siyang di nakita pero bawing-bawi naman yata kanina. Bakit kasi nasira yung computer ng katrabaho ko?! Nataon pa talaga na siya lang ang IT kapag Linggo kaya no choice, siya lang ang option.
Ang tagal niya sa office. Hindi ako mapakali. Hindi ako maka-kalma. Nahihirapan akong mag concentrate sa pag take ng calls.
Hindi na peak hour, tahimik sa office. Ramdam ko ang mga makahulugang tingin ng mga katrabaho ko sakin. Hindi naman lihim sa opisinang crush ko sya.
Hindi ako assuming, pero sadyang hindi rin ako manhid. Ramdam kong nililingon nya rin ako.
Pinilit kong ignorahin at nag focus ako sa panonood ng 'Oh My Ghost.'
Then suddenly, narinig kong may tumatawag sakin. Di ko pinansin kahit rinig na rinig ko dahil mahina lang naman ang sounds na nanggagaling sa earphones ko.
Kita ko sa gilid ng mata ko na nakalingon siya sa akin at tinatawag niya ako. Pati katrabaho ko, tinatawag ako. Pero wala, dinedma ko. Kunwari focus sa panonood.
Nang mardaman kong wala na siya sa opisina namin, tumayo ako at nag inat.
"Huy te, tinatawag ka nya kanina. Dinedma mo," chika ng katrabaho ko.
"Ako? Bakit? Di ko narinig sorry. Bakit daw?"
"Magpapaturo kung paano buksan yung SDM."
"Ahh.."
Gustong-gusto kong idugtong na, bakit ako? Andyan naman yung team leader natin. Bakit sakin? Pwede namang ikaw.
Pero ayaw ko nang humaba pa ang usapan. Ayaw kong paasahin ang sarili ko.
Hindi ko alam kung ramdam niyang umiiwas ako sa kanya. Pero most probably, hindi. Bakit? E wala naman siyang pake. Hahaha.
Wala pang 6pm ay may kumatok sa pinto mg office namin. Pagbukas ay narinig ko ang boses niya. Hinahanap ang team leader namin. Nag papaalam na uuwi na sya at tawagan na lang daw sya pag nagka problema. Dinedma ko uli. Di ako lumingon.
Pauwi na kami ng kaibigan ko ng ikwento niyang sinilip daw ako ni crush bago isara yung pinto kanina.Napakabuti niyang kaibigan. Gusto talaga ata akong umasa.
"Miss mo na siya?" tanong niya.
Natawa ako. Wala akong naisagot. Lagi namang ganoon. Idinadaan na lang lagi sa tawa. Hahaha.
BINABASA MO ANG
MBM
Short StoryI dunno if this is about to be a typical love story every girl wants. But I just wanna write down some good or bad things in my everyday life. Sigh! Here I go.