Unti-unti akong lumingon para tingnan kung sino yung lalaking bumunggo sakin at laking gulat ko ng makita si Luke na naka tayo sa harapan ko......." Sorry miss hindi ko sinasadya " paumanhin nya at napatingin.....este napatitig pala sakin
Mukang hindi rin nya inaasahan na magkikita kami and worst magkaklase pa kami......... Huhuhu mukang hindi ako magtatagal ng isang taon kasama sya....hindi ko kakayanin na makasama ko ang ex boyfriend ko na matagal ko nang kinalimutan " AC?..." gulat nyang tawag sa pangalan ko
" beshie...magkakilala kayo? " tanong ni Ethel sakin......kitang kita ko yung pag tataka sa muka nya " Hindi.....hindi ko sya kilala " mabilis at wala sa sarili kong sagot sa Kanya.. Nanlaki naman ang mata ni luke sa sinabi ko ....ngayon ko lang napansin lahat pala ng kaklase namin samin nakatingin.....nakakahiya tuloy malas kasi tong si Luke
" tama na yan.....maupo ka na Mr Crossford....ikaw rin Ms. Smith nasasayang lang ang oras natin sa pag tititigan nyo " inis na sabi ni Mrs. Garcia samin......agad naman kaming sumunod sa Kanya maya-maya pa ay tumunog na yung bell hudyat na lunch break na
Hindi ako tumayo at nakatulala lang sa kawalan hanggang sa hapasin ako ni Ethel ng malakas sa braso ko "Aray.......inaano ka? " sarkastiko kong sabi kay Ethel " Ano bang nangyayari sayo......kanina ka pang Naka tulala dyan ah..... Hindi ka ba nagugutom?" kung alam mo lang Kung gaano ko na ka gustong lumamon pero agaw makisama ng sarili ko........kung bakit ba kasi nakita ko pa yung lalaking yun eh...... Tumayo na ako at sumama kay Ethel Matapos nya akong paglaruan,iwanan ipag palit sa iba tapos haharap sya sakin na parang walang nangyari......kitang kita ko yun sa reaction nya kanina
Alam nyo yung pakiramdam na gusto mong manaksak ng tao dahil sa galit tapos paghihiwa-hiwalayin yung katawan sabay baon sa lupa......ako yun eh, hindi ko lang magawa kasi mahal ko si God at ayaw kong magkasala sa Kanya pero talaga lang eh
" Hoy ALEXA CAELA SMITH!!!! "
aww Sakit sa tenga nun ah....." Ano ba?" sigaw ko din sa Kanya "pwede bang wag kang nasigaw dyan " inis na sabi ko sa Kanya.....kasi naman eh kung makasigaw sya kala mo kaming dalawa lang yung tao dito "Eh panong hindi kita sisigawan dyan...eh kanina pa Kaya kitang tinatanong kung anong gusto mong kainin.....para na nga akong sirang plaka dito sa paulit-ulit kong pag tatanong sayo" ayy hehe ganun ba sorry naman.....ngayon ko lang na realise na nasa Cafeteria na pala kami kaya pala medyo maingay hehe......" Sorry naman.....eiih madami lang kasi talaga akong iniisip eh..... I- order mo na lang ako ng kahit ano mamaya na lang kita babayadan ".......
" huwaw at talagang may utusan ka pa ah tsk " matapos nyang sabihin yun at irapan ako bumili sya ng dalawang lasagna at dalawa ding bubble tea at umupo na kami sa isa sa manga table at sa may sulok kami naka pwesto
" ano ba kasi yang iniisip mo.....kanina lang excited na excited ka tapos ngayon para kang pinag sakluban ng langit at lupa dyan" tanong ni Krissethel (Ethel) sakin habang namumualan ng lasagna " Eh ka-kasi" nag dadalawang isip pa ko kung sasabihin ko sa Kanya.....madaldal kasi tong babaeng to eh....pero sige na nga tutal kaibigan ko naman sya eh at pwede ko naman syang paki usapang wag sabihin kay kuya.....bukod kasi saming dalawa ni Luke wala nang iba pang nakakaalam ng naging relasyon namin
" Kasi naalala mo yung ex ko na lagi kong kinekwento sayo nung nasa States ka? ".......
"Oh anung meron dun?? " -sya
" kasi sya yung bumunggo sakin kanina nung mag papakilala ako sya si Luke Skhai Crossford "
" What...Are you kidding me " nasamid sya at napasigaw dahil dun sa nalaman nya.....pinag titinginan na tuloy kami ng mga studyante dito....baliw kasi tong si Ethel
" No.....wag ka nga sumigaw nakakahiya ka " hinila ko sya pabalik sa upuan nya....kanina pa kasi kaming pinag titinginan dito eh...." Ano ba talaga kasi ang nangyari sa inyo "
* flash back *
"Tsk! Luke sagutin mo please"
Nandito ako ngayon sa may park, nakaupo sa isang round table sa tapat ng isang malaking puno at iniintay si Luke1st Monthsarry kasi namin ngayon at gusto ko special kaya ipinagluto ko sya ng paborito nyang carbonara at nag bake din ako ng cake
Iginayak ko yung round table......
Pinatungan ko sya ng kulay blue na table cloth kasi yun ang paborito nyang kulay nilagyan ko din ng flower vase sa gitna para gumanda pa lalo.....hinipan ko na din yung mga lobong hugis puso at itinali sa mga bangko Bukod dun may ibinukod din akong regalo para sa kanya isang t-shirt na may print na snorlax.....paborito nya kasi yun ehNung binibili ko yung damit na snorlax may nadaanan akong isang tindahan ng mga sing sing......pero isang couple ring ang umagaw ng aking pansin at nakasulat dun destined to each other kaya binili ko na din sya at isinama ko dun sa snorlax na damit na nakabalot sa isang box
Lumipas ang sampung minuto at wala pa din sya ilang beses ko na din syang tinatawagan pero nag riring lang sya tapos walang sumasagot
Ano na kuyang nangyari dun sa asungot na yun........hayyst kinakabahan na ako sa kanya baka kung napano na yun sa daan mag isa pa naman sya
6:00 pm na at madilim na din paligid....kokonti na din ang mga taong naglalakad sa park...... Halos 10 oras ko syang iniintay pero wala pa din sya
Naisipan kong tawagan sya ulit pero cannot be reached naman.....lumamig na din yung Carbonara at natunaw na yung icing nung cake pero wala pa din sya
Lumipas pa ang 5 oras pero wala pa din sya......hindi ko na napigilang umiyak hanggang sa may nag text sakin.....dali dali ko yung kinuha at agad tiningnan kung sino yung nag text.........ine-expect kong si Luke yun
at hindi nga ako nagkamali....... binasa
ko yung text nya at nagulat ako dun sa sinabi nyaTuluyan nang nag si bagsakan yung mga luha na inipon ko sa gilid ng mata ko dahil dun sa text nya sakin From: My Luke💙
I'm sorry AC pero hindi na ako makakadating.......na realise ko kasi na hindi pala totoo yung nararamdaman ko sayo I'm sorry I didn't mean to hurt you I'm really sorry but...........
Let's end this here ...
YOU ARE READING
Destined to be with him
Teen FictionDestiny is not a matter of chance it's a matter of choice it is not a thing to be waited for its a thing to be achieved