"Wherever, whenever we're meant to be together I'll be there and you'll be near and that's the deal my dear"
Wooh! I love my life. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga taong nagko-commit ng suicide. Can't they see na after nilang mawala sa mundo wala na silang ma fifigure out kasi wala na silang concious. Tss apparently ganun talaga pag namatay na.
Anyways, here I am in our CR. Enjoying my bath kahit nakatayo and walang shower hahaha. Ano? may tabo naman ah. Hindi naman kasi kami mayaman para magka-shower, hot tub or jacuzzi. Sino ba kasing nagsabi na hindi pwedeng mag-enjoy kapag timba at tabo lang ang nasa CR tss.
Pagkatapos kong nakapag-ayos ay dumiretso na ako sa kusina at naabutan ko ang kapatid ko na si Bella na tinutulungan si Inay na nag-aayos ng hapag-kainan.
"Hello sister! Ready ka na sa pangikatlong taon mo sa Kingston Academy?" Bati ko sa kanya sabay akbay sa balikat niya. At ayun, as usual nagkibit-balikat lang ang magaling kong kapatid. Parang laging walang balak pumasok sa school pero ang grades aba nahiya mga officemates ko. Siyempre ako, proud sister.
"Ahay ate Dah-dah. Nag-away na naman siguro yan sila ng boyfriend niya. Paniguradong walang forever sa kanila pwe." sabi ni Rose. Itong batang ito akala mo maraming alam tungkol sa pag-ibig eh 11 years old palang yan eh.
"Tama yan anak. Kaya dapat mag Madre ka na lang" Pangsulsol naman ni Tatay. Napahagikgik naman ako sa sinabi niya sa bunsong kapatid ko. Si Tatay talaga. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit okay lang sa kanya na magkaboyfriend kami ni Bella except kay bunso. Sabagay masyado pang bata si bunso para maglove life love life.
Nakita ko namang nag-pout si Rose. Ang ganda talaga ng kapatid ko kaso pag nagpa-pout nagiging ugly duckling.
"Tay naman eh. May forever kami ni Alastor my loves." Saad ni Rose. Yung Alastor na tinutukoy niya ay classmate ni Bella at ang top 1 ng batch nila. Gwapo naman yung bata kaso parang masyadong boring para kay Rose na madada. But well, anong magagawa ko crush ni bunso suportahan na lang.
"Rose bata ka pa. Isipin mo muna ang pag-aaral mo." Sabi ni Nanay na dala dala ang paborito kong ulam. Hotdog!
"Hmp." Pagsimangot ni Rose saka ipinagpatuloy ang kinakain.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako at pumunta na sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Sa bus ako sumakay and as usual nakatayo lang ako. Wala man lang gentleman na nagatubaling paupuin ang diyosang katulad ko.
*peeep*peeep*
BINABASA MO ANG
Innocent Hearts
RomanceThere are billion people with billion hearts and it only takes one to believe in love. That is what I say. And what if the world doesn't rotate the same for what I believe, would somebody understand me? Or I'll be taken like a fool like what the wor...