Lauren's POV"Kayo na muna bahala dito sa bahay, walang magkukulit ha" paalala ko sa mga kapatid ko bago ako umalis ng bahay.
Mag aala-sais na ng gabi at oras na para pumasok ako sa trabaho ko.
Oo may trabaho na ako, disiotso naman na kasi ako saka kailangan ko rin to dahil ako ang nagpapa-aral sa sarili ko plus ako na rin ang magpapa-aral sa dalawa kong kapatid.
I feel so parent na tuloy. Hay.
Jade's POV
"Pare lasing ka na" tinapik tapik ako ng kaibigan ko.
"Di pa pare, wala pa akong tama" tumawa tawa ako saka ko muling tinungga ang beer na hawak ko.
Tang*na yang mga babaeng yan! Binibigay na nga mga gusto nila ang lalakas pa ng loob manloko! P*tcha talaga.
Isa pa, Jade Joshua Sebastian na to pinagpalit niya pa? Di niya alam kung gaano karami ang naglalaway sa akin, di niya alam kung gaano siya kaswerte. Bwisit! Di pa ang lahi ko ang pinarami.
"Pare umuwi ka na, baka mapano ka pa" tinabig ko ang kamay ng kaibigan ko ng hawakan niya ako sa braso.
"Uuwi ako kung kailan ko gusto" padabog kong ibinagsak ang boteng hawak ko sa lamesa saka bahagyang tumawa ng parang baliw.
Sa totoo lang di pa naman talaga ako lasing. Nasasaktan lang ako kaya ako nagkakaganito. Kailangan ko maglabas ng hinanakit ko at itong alak na ito lang ang makakaramay ko ngayon.
"Sige bahala ka, mauna na kami pre, i-score pa ko sa girlfriend ko eh" tinanguan ko lang sila saka sila umalis.
Wala pang kalahit oras may biglang lumapit sakin. Dahil mababa ang kinauupuan ko, tumingala pa ko para makita kung sino ang lumapit sakin.
"Sir, ito na po yung bill nyo" inilapag niya ang isang pirasong papel sa lamesa pero sa mukha pa rin niya ako nakatingin.
Dala lang ba to ng alak o talagang mukha siyang anghel? She really looks like an angel, wala nga lang pakpak pero mukha talaga siyang anghel. Nakapagpadagdag ganda pa niya ay ang napakahaba niyang itim na buhok na bagsak na bagsak at ang kutis niyang parang sobrang nipis.
"Sir?" may pagtataka sa tono niya. Agad kong dinampot ang papel na inilapag niya saka ito tinignan.
Katulad ng sinabi ko, di ako lasing kaya malinaw pa sa sinag ng araw ang mga nakikita kong bayarin ko. Hudas na mga yun! Nilayasan ako ng di mga nagbabayad.
Bahagya akong napailing dahil sa laki ng bayarin ko. Binunot ko ang pitaka ko saka ako kumuha ng pera. Inilapag ko ang perang pambayad ko sa lamesa saka tumingin muli sa kanya.
Nakatitig lang siya sakin. Napangisi ako sa titig niya sakin na nakapagpabalik naman sa ulirat niya.
Ibinaling niya ang atensyon niya sa perang nakalapag sa lamesa. Binilang niya ito saka isinulat sa hawak niyang notepad.
"Aalis na po ako sir. Salamat po" akma na siyang hahakbang ng hawakan ko siya sa braso.
"You are?" tanong ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"I'm --" di na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang may tumawag sa kanya.
"UREN!" nilingon niya ang tumawag sa kanyang kapwa niya waitress dito sa bar.
"Coming" tugon niya sa tumawag. "Sorry sir, kailangan ko ng umalis" tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya saka siya patakbong lumapit sa tumawag sa kanya.
Uren.
Mukhang mapapadalas ang punta ko dito dahil sa magandang babaeng yun ah.
Lauren's POV
"Hey b*tch, yung laway mo tutulo na! Mygad, you're so gross" maarteng sita sakin ni Celes matapos niya akong makitang nakatitig sa isa sa mga kaklase namin.
"He's so cute Celes, I can't help myself. I really want to eat him" kilig na kilig kong sabi habang patuloy pa rin ang pagtitig sa lalaking nakasandal sa frame ng pintuan.
Kahit anong angulo siya tignan ay napakagwapo pa rin niya.
"Ang manyak mo bakla! Saka pwede ba? Don't English English me ha, di bagay sayo" umayos siya ng upo niya katabi ko.
"Ang gwapo kasi ni Jade Joshua baks eh" tugon ko sa kanya. Hay, kung pwede ka lang iuwi ginawa ko na kagabi pa.
"Mas gwapo ang kakambal niya" napatingin ako kay Celes.
"Si Kide? Yung basketball player ng school natin" tinaas taas niya ang magkabila niyang kilay.
Aba't lumalandi din ang bakla.
"Anyway kamusta ang dalawa mong kapatid?" pag-iiba niya.
"Ayun, ok naman malalaki na naman yun baks kaya di na ko mahihirapan na pagsabihan o alagaan sila" nginitian ko siya saka muling tumingin sa bandang pintuan. "Asan na siya?"
"Ayun baks oh nasa harapan na, kausap ng mga malalanding haliparot" tumaas ang isa sa mga kilay ko.
"Malandi na haliparot pa, oa mo baks" kumento ko.
"Syempre para intense" napailing na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang baklang to.
Hanggang dumating ang prof namin ay nakadikit ang mga malalanding nilalang sa Jade Joshua ko. Ewan ko ba at ang daming may gusto sa lalaking yan.
Matapos ang klase namin ay balak ko sanang dumaan sa harapan ni Jade Joshua na nakatayo na sa labas ng room para magpapansin ng biglang may ilang babaeng di pamilyar sa akin ang lumapit sa kanya.
Agad na lang akong napasimangot at saka umalis.
Kainis. Ang daming paepal!
Jade's POV
"Anong ginagawa mo dito Mary? Bakit ka napadpad sa building namin?" tanong ko sa pinsan ko na kasama ang mga kaibigan niya.
"Wala naman kuya, naglilibot lang po" sagot niya na tinanguan ko naman. "By the way kuya Jade, nakasalubong ko kahapon si ate Claire, break na pala kayo?"
"Ah.. Oo eh" may alinlangan kong sagot. Malalim na napabuntong hininga si Mary dahil sa sinabi ko bago siya pilit na ngumiti.
"Sana magkaayos pa kayo pero kung hindi na, ok lang din naman.. Siguro" tugon niya. Pinat ko ang ulo niya't bahagyang ngumiti.
"Pwede pa rin naman kayong maging friends ni ate Claire mo kahit wala na kami" sagot ko. Alam ko namang gusto gusto niya si Claire para sa akin at gusto ko rin iyon kaso wala na eh. Tapos na yung kami.
Hanggang sa makaalis si Mary ay dala dala ko pa rin yung lungkot dahil sa biglang pagka-alala ko ng nakaraan namin ni Claire.
Hindi ko alam kung bakit ang dali na lang sa kanyang itapon iyong isang taong relasyon namin.
"Move on na Jade, move on" pabulong kong sabi sa kawalan saka nag-umpisang maglakad palabas ng building namin.
--
Vote?
Comment?
Follow me :)
BINABASA MO ANG
She Is He [BL]
General FictionWhat if she is he? She is He written by: @ItsAceee Copyright © 2017 Cover Creator: @sichennle Highest rank: #313 - General fiction